Chapter 4

2 0 0
                                    

The hunting past and The Rancher

CHAPTER 4

"JHANDERIE, Sinong Caleb Ventre Contreras?" nagtatakang tanong ni Eden

Nagulat naman ako dahil sa tanong niya kaya tumigil ako sa pagyoyoga ko at tinignan kung may hawak ba siya, How did she know? Saan niya nakita?

"Saan mo nakita?" I asked her

May kinuha siyang isang panyo sa mesa at ipinakita sa akin, ang panyong ibinigay ng lalaking gusto ni Eden na ubod ng gwapo. I don't know if who's this Caleb--maybe hindi naman sa kanya ang panyo kasi rafael ang pangalan niya. Isasauli ko naman yang panyo niya if ever na makita ko ulit siya.

Sana nga makita ko pa.

"Eto oh, Sinong nagbigay neto sayo?" She asked while raising her brow

I don't want her to think of something that is malicious pero alam ko naman na hindi nya ako pag iisapan ng ganun, she knows my past very well. Alam niya ang mga pinagdadaanan ko and even it's five years already I still can't forget him.

"Napulot ko lang kagabi" pagsisinungaling ko

Sometimes kailangan mong magsinungaling para hindi ka na makasakit pa,yung bang kailangan na kailangan mong magsinungaling kasi ayaw mong may masaktan. One day maiintindihan nyo din ako.

Napatango naman ito at hindi na nagtanong pa, Itinuloy ko na lamang ang pagyoyoga ko at hindi ko alam kung bakit gusto kong isipin at alalahanin ang mga masasayang araw na nagkasama kami gayong iba naman ang pumapasok sa isip ko, Si rafael--siya ang naiisip ko at hindi pwede yun. Kung ano man 'tong naiisip at nararamdaman ko ay mali, Maling saktan ko ang mga taong nandito ngayon para sa akin.


Si rafael? Isa lamang siyang lalaking probinsyano at hindi kami nababagay--And why the heck am i thinking shits like that? Alam ko sa sarili ko na mahal ko ang lalaking naging bahagi na ng nakaraan ko, Kahit sabihin pa nilang kalimutan ko na at ibaon sa limot ay hindi ko magagawa at hindi ko gagawin. Siya na lamang ang nagpapasaya sa akin, Sila ni mommy. Ang alaala nila ang bumubuhay sa akin, Kaya paanong sa isang iglap lang nakalimutan ko ang lalaking minahal ko dahil lang sa isang probinsyano na nakilala ko?



Hindi--Hindi ko kailanman makakalitan ang lalaking mahal ko! Hindi ito pwede, The boy name Rafael was a Mistake. Hindi dapat siya inilikha sa mundong ito, Alam ko at hindi ako bobo para hindi malaman kung ano itong nangyayari sa akin. Kapag nagpatuloy pa ito ay talagang tuluyan ko ng makakalimutan ang Lalaking mahal ko.

Limang taon akong nagtiis at nagdusa, Limang taon kong tinago ang sakit na nararamdaman ko. Walang sinuman ang makakaramdam ng sakit na meron ako ngayon, Paano maipapaliwanag sa akin ng mundo? Ang pagkawala ni Mommy.. ang pagkawala ng Magiging asawa ko na sana! Paano?!

Hindi ko naramdaman na tumutulo na nga pala ang luha ko.

"Jhanderie.." Boses iyun ni Eden

Mabilis kong pinahid ang luhang kumakawala sa mata ko and I look up to her and tried to force a smile

"You don't have to act na okay ka lang, jhan.." Nakita ko na nasasaktan din siya


Lumuhod siya para magkapantay kami at hinimas niya ang likod ko and that feels better, Mas lalo akong naiyak. Akala ko okay na ako, akala ko wala ng alalang babalik pero akala ko lang pala 'yun. Dahil hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang sakit.

"I-It hurts..." Pahikbi kong sabi

Tumango naman ito at naiyak na din, Five years is not yet enough para makalimutan ko ang sakit.

It All Started With a Kiss Where stories live. Discover now