The Accident
CHAPTER 5
"ANO ba ang pangalan ng kabayong pinili mo?"
Hinahanda na niya ang mga bagay na kailangang suotin ng kabayo, habang ako nakatingin lang sa mga ginagawa niya. No wonder that this man has a perfect features.
"He's hector"
"He's just an animal pero ang pangalan niya parang sa tao" Nakangisi kong sabi
He looked at me intently and seriously, "Never tell me that my horse is just an animal"
Sumakay na siya sa Kabayo na si Hector and I just stared at them, Ano ba ang dapat kong gawin?
Nagulat na lang ako nang abutin niya ang kamay ko, hindi ako gumalaw tumingin lang ako sa kamay naming magkahawak. The feeling is bearing again. It's not right.Mabilis kong inagaw ang kamay ko na hinawakan niya.
"Sorry, Pero kailangan mong makasakay dito kaya kailangan kong hawakan ang kamay mo"
Tumango na lang ako at pilit na ngumiti kahit hindi naman nagbabago ang ekspresyon niya
"Ako na lang, I can handle"
Humawak ako sa katawan ni Hector at ilalagay na sana ang mga paa ko sa may paanan ng bigla akong ma-out of balance, I thought i was in the mad already but no. Isang matitipunong dibdib ngayon ang nakahawak sa bewang ko and He's looking straight in my eyes, Did I already said that his eyes were inviting? It's like its calling you. I can feel some butterflies in my Stomach, What is that?
Siguro mga dalawang minuto din kaming nasa ganu'ng posisyon nang bigla na lang nag-ingay si hector, Funny! Mukhang ayaw ng kabayo niya na may iba siyang kasama.
Nang komportable na akong nakasakay kay Hector ay si rafael naman ang hindi pa umaangkas, Hindi ba siya sasama? Iiwan ba niya ako mag isa? God! I don't know anything about riding a horse!
"I will just guide you, Miss" seryosong sabi nito habang nakahawak sa tali ni hector
Nakahinga naman ako ng Maluwag dahil akala ko ay mag isa akong maghohorse back riding, Wala pa naman talaga akong alam sa ganito.
Hindi pa rin umaalis ang mga paro-paro sa tiyan ko, Hindi ko alam kung bakit sila nagkakagulo. Sa tuwing titingin ako kay Rafael ay nakatingin din siya sa akin, Kaya naaawkward tuloy ako.Nagsimula nang maglakad si Hector, Nagulat pa nga ako at muntik pang mahulog buti na lang at nandu'n si rafael para gabayan ako. Ok fine, I admit it that I really don't like him near me. May isang parte sa akin na nawawala kapag malapit siya at ayokong mangyari yun, may isang bagay akong nakakalimutan at ayokong makalimutan ang mga alaalang iyon. God, Why did you create this man?
Bakit ba kami nagkita ulit? Diba dapat hindi na, Siguro huli na ito. I don't want something na ikagugulo lang ng isip ko. I am Jhanderie Carroz, I am a bitch. Masama ang ugali ko at Makasalanang babae, Walang kwento and I don't deserve to be loved by someone. Isang pagkakamali lang ang lahat ng ito, Everything happens for a reason.
I don't fall for Cheap Province boys and Will never fall, Why am I thinking too much?
Nagulat na lang ako nang biglang tumakbo ng mabilis si Hector kaya napahawak ako sa tali na nabitawan ni Rafael, pati siya ay nagulat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang takot, ayoko ng magdusa pa! Ayoko ng masaktan!
Nakakatakot!
"Tulong! I don't know how to do it! Please help me!!"
Naiiyak na ako sa kakasigaw, hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ni hector ang bilis ng pagtakbo niya kaya kahit hilahin ko ang tali ay hindi pa rin siya tumitigil.
YOU ARE READING
It All Started With a Kiss
Ficción General"In that perfect stranger I found my fairytale" xXxXx Caleb Ventre Contreras and Jhanderie Carroz