Andei POVKainis talaga si kambal. Kinabahan na talaga ako kanina ehh.. Akala ko di talaga sya naniniwala tapos nung sabihin ko na sana ang totoo.. Bigla nalang bumunghalit ng tawa.. Akala ko talaga seryoso sya.. hayyss.. Pero pa'no na kaya kung magtanong ang kumag na yun kay Mom? Siguradong buking ako nito. Sasabihan ko nalang kaya sya sa totoo? Na gumamit ako ng spell para makagawa ng pusa? Pero siguradong di yun maniniwala kapag di ko ipapakita sa kanya.. Ano ang gagawin ko??
"Sweetheart..!! We're back..!!" Sigaw ni mommy.. luhh patay na ako nito.😓 Andito na sina Mom at Dad.
"Hija..!! Bumaba kana andito na yung pinabili mo sa amin.." Tawag ni Daddy sa akin.
"Pababa na po ako Dad..!" Sagot ko at bumaba na sa sala tapos sakto nang pagbaba ko bumaba din si kambal.. Bitbit parin nito si grey ( yung pusa na ginawa ko).
"Oh hijo.. Kaninong pusa yan?" Tanong ni mommy.. Luhh.. Naks naman di ko na talaga mapigilan. Sasabihin ko nalang talaga ang totoo.. Total may gusto din naman akong itanong kina Mommy at Daddy."Ahh.. Ito Mom? Kay Andei.. Diba ikaw daw ang nagbigay nito sa kanya?" Sagot at tanong ni kambal.
"A-Ako?? teka wala akong ibinigay na pusa sayo sweetheart diba?" Nalilitong tanong ni Mom. Ito na nga.. shity.. Okay... Inhale... Exhale...
"Po? Hindi ikaw ang nagbigay Mom?" Nalilito ding tanong ni kambal at tumingin sa akin ng * kanino 'to galing look* si mommy din nakatitig sa akin na parang hinihintay ang aking paliwanag."Ahm.. Hihihi.. ano po kasi..😅 Ahh.. Mom, Dad tsaka dude.. May gusto po akong sabihin sa inyo.. Tsaka may itatanong din po ako sa inyo Mom, Dad. Soooo... Pwede dun lang tayo sa entertainment room mag-uusap?" Kinakabahang sabi ko sa kanila... hayyss.. Sana di talaga ako ampon.. Pambihira naman kasi yung mga panaginip ko.. Paulit-ulit lang.. Ampon daw talaga ako.. Pumayag naman silang tatlo..
" Ahmm.. Mauna na kayong tatlo.. May kukunin pa ako sa kwarto ko sandali.." Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila at nauna na dun. Kinuha ko yung box sa closet tapos ibinalik ko ang tattoo ko sa aking balikat sa pagiging wand.Nadatnan ko silang seryosong nag-uusap. Nabaling ang atensyon nila sa akin pagpasok ko sa entertainment room. Napakunot ang noo ko nang makita sina Daddy at Mommy na napasinghap nang makita ang bitbit kong box. Umupo ako sa sofa at huminga muna ng malalim bago nagsalita.
"Ahh.. first of all... Mom, Dad I hope you will answer my question honestly. And Dude.. Will you promise me that nothing will change between us kung ano man ang matutuklasan nating katotohanan? Will you promise me?" Pagsisimula ko. Nakita kong nagkatinginan na naman sina Mom at Dad.
![](https://img.wattpad.com/cover/183072386-288-k790073.jpg)
BINABASA MO ANG
THE POWERFUL BLUE-HAIRED PRINCESS
FantasiA simple girl who live in the mortal world, with her twin brother and their loving parents. She is happy living with them. What if one day she will found out the truth that she is not their daughter after all, that she is only an adopted child? And...