GOOD BYE GIRL (inspired by Bread)

10 0 0
                                    

 

MAIN CHARACTERS:

MARTIN  PASCUAL18 YEARS OLD COLLEGE STUDENT (UNCOOL GUY) SAMANIEGO CLAN

JAZZY SANDEJASHIGH SCHOOL CRUSH NI MARTIN NA DI SIYA PINAPANSIN (COOL GIRL), KINAKAPATID

LOLO MAXLOLO NI JAZZY PASCUAL

LOLA ISABELNAGKUWENTO NG LAHAT, DATING KATULONG NG MGA SAMANIEGO

BACKGROUND CHARACTERS:

MRS. PASCUALMOTHER NI MARTIN

MRS. SANDEJASMOTHER NI JAZZY, NINANG NI MARTIN

MANG BASCOKATIWALA SA MANSION NILA MARTIN

ALING LINDA APO NI LOLA ISABEL

SCENE 1Sa kuwarto ng isang lumang bahay, sa kama ay nakaupo si Martin, na may mga tinitignan na mga pictures. Hanggang makatagpo siya ng 2 lumang love letters, dated  May 18, 1967.

Martin: Ayos sa mga outfit sila Lola ha, parang nasa lumang pelikula. Ang buhok ang tataas parang may scaffolding. (Medyo matatawa, tapos hihinto at makikita ang dalawang sulat) Ano to? Hmmm sulat, mukhang love letters, sandali baka may matutuhan ako sa diskarte. (Bubuksan ang mga sulat, isa-isa)

(Focus on the letters, then voice over)

Mahal kong Lourdes,

Hindi matanggap ng puso ko ang mga kataga mo kagabi.  Katotohanan ba lahat iyon? Tunay nga ba na hindi na nga ako ang iyong mahal? Ano ba ang aking nagawang kamalian bakit ako’y iyong iiwan? Alam ko na ayaw sa akin ng iyong mga magulang, sapagkat ako ay mahirap lamang, ngunit tulad ng aking pinangako sa iyo, magsisikap ako at ibibgay sa iyo ang marangyang buhay na iyong nakasanayan.

Tayo ay nagsumpaan, sumumpa ka rin na ako ay iyong ipaglalaban, ngunit ngayon ay bakit ika’y sumusuko na? Hintayin mo ako mahal ko, bigyan mo pa ako ng panahon at papatunayan ko sa iyo na busilak ang aking puso at ika’y aking pangangalagaan ng higit pa sa aking buhay.

Alam kong ikaw ay nahihirapan at nagdurusa dahil sa akin, patawarin mo ako. Alalahanin mo sana ang ating pangako. Nagsusumamo ako sa iyo.  Ako ay maghihintay sa dati nating tagpuan sa oras na ating naitakda. Pinakamamahal kita aking Lourdes,

Ang puso ko ay sa iyo lamang,

Simo

Martin:  Wow, ayos ang Lola, may iba pa palang boyfriend ha, two timer, hindi naman Simo si Lolo ha, Alberto si Lolo. Sino kaya itong Simo na ito. (Binuksan ni Martin ang isa pang sulat)

(Focus on the letter and voice over)

Pinakamamahal kong Simo,

Alam kong ikaw ay aking nasaktan at labis na nagdaramdam. Ngunit yun lamang ang naiisip kong paraan upang tuluyan nang maging matahimik ang ating buhay. Mas nanaisin ko pa na lumayo sa iyo, ayaw kong maliitin at alipustain ka ng aking ama. Higit akong nasasaktan.

Mahal na mahal kita Simo. At ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Patawarin mo kung ito ay kahinaan, ngunit mas nais kong magdusa ng malayo sa iyo, mas mabuti ito sa makita kitang nanliliit at nagdurusa kasama ako. Patawarin mo ako mahal ko at ako ay limutin na.

PLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon