CHAPTER 1: Weird Dreams

19 0 0
                                    

Third Person POV

"Nandito na sila, nararamdaman ko. Amora, Silva dalhin niyo na ang bata," sabi ng lalaki.

"Paano ka Brandt? Di mo sila kakayanin, masyado silang malakas, " boses ng isang babae.

"Wag kang mag alala, ako ang bahala dito, ang importante ay makaalis kayo, itakas niyo ang bata. Silva, wag mong pababayaan ang Señora Amora mo, bilis umalis na kayo, " sabi ulit ng lalaki.

Walang nagawa ang dalawang babae kundi umalis dala ang bata at itakas ito. Hindi mapigilan ni Amora ang pag-iyak habang akay-akay ang kaniyang 3 taong gulang na anak na mahimbing na natutulog habang nakasunod naman sa kaniya si Silva dala ang kaunting mga gamit. Sa kakahuyan sila dumaan upang hindi sila mapansin ng mga nilalang gustong kunin ang kaniyang anak ngunit hindi sila nakaligtas sa mga mata nito.

" Nandoon sila, dala nila ang bata, " sigaw ng isang lalaki sa mga kasama nito.

Kaya biglaang tumakbo ng mabilis ang dalawang babae. Gustuhin man nilang lumayo ngunit alam ni Amora na maabutan parin sila nito sapagkat masyado itong mabilis kaya wala na siyang magawa kundi ipaubaya ang bata kay Silva at gawin ang dapat niyang gawin.

"Señora, hindi niyo po kakayanin, masyado pong mahina ang inyong katawan, " sabi ni Silva.

"Wala na tayong ibang pagpipilian pa, kailangan kong gawin to para sa anak ko. Silva, mangako ka na iingatan mo ang anak ko" sabi ni Amora habang ginagawa ang ritual.

"Pero, señ-" hindi na natapos pa ni Silva ang sasabihin ng bumukas ang portal at itinulak siya ni Amora sa loob.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Athena's POV

Napabalikwas ako ng bangon, hindi ako makahinga, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Naiiyak ako, ang sama ng panaginip ko, parang totoo. Ilang araw na ako nanaginip ng kakaibang bagay, ang weird.

I wiped my tears and forget about my dream. Tumingin ako sa wall clock na nasa kwarto ko, magaala-sais na pala ng umaga,  kailangan ko nang maghanda para sa first day ng klase ko bilang Grade 12 student. Naligo na ako at nagbihis. Maya-maya ay tinawag na ako ni Aunt Rosella para mag-almusal.

"Athena, labas na diyan, mag aalmusal na tayo" tawag sa akin ni Auntie.

"Sandali lang po, bababa din po ako, magsusuklay lang ako ng buhok"sagot ko pabalik kay auntie.

Matapos kong magsuklay bumaba kaagad ako. Sinalubong naman ako ni Auntie ng magandang umaga kaya sumagot din naman ako.

Habang kumakain kami, kinuwento ko kay auntie ang mga kakaibang bagay na napapanaginipan ko.

"Auntie alam mo, nitong mga nakaraang araw ang weird ng mga panaginip ko, noong isang araw nanaginip ako na may pakpak daw ako at lumilipad at may kasama akong babae at lalaki, kagabi yung napanaginipan ko may dalawang babae na hinahabol ng kung anong nilalang tapos nagpaiwan ang asawa ng babaeng nagngangalang Amora, di ko nga alam kung anong nangyari sa dalawa pero ang isang babae na ngngangalang Silva, binigay sa kaniya ang bata tapos itinulak siya sa loob ng isang portal, hinahabol daw kasi sila dahil sa bata, di ko naman makilala kung sino yun kasi di ko maaninag ang mukha"mahabang litanya ko.

Di umimik si auntie kaya tumahimik nalang ako at itinuloy ang pagkain. Haysss, di ko talaga mapigilan ang sarili ko, nito kasing mga nakaraang araw, I've been dreaming so weird pero hinayaan ko nalang. Panaginip lang naman yun.

Matapos naming kumain ni auntie, nagpaalam na ako sa kaniya at kinuha ang susi ng sasakyan namin.

Hindi naman sa pagmamayabang pero may kaya kami, malaki ang bahay namin at may tatlo kaming kotse, 15 years old ako ng turuan ako ni auntie na magmaneho para daw hindi na ako mahirapan sa byahe, medyo mayo kasi sa public highway ang bahay namin. At isa pa wala na akong mga magulang kasi sabi ni auntie sakin ay namatay sila sa aksidente kaya siya yung nagpalaki sakin. Malawak rin yung lupain namin na siyang pinagkukunan ni auntie ng mga kailangan namin sa pang araw araw, ang Rancho Armenth. Tanging bahay lang rin namin ang makikita sa Rancho dahil gusto ni auntie ng payapang lugar at malayo sa ingay ng syudad.

Ito ako ngayon, nagmamaneho papuntang school para sa unang araw ng klase.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Ano sa palagay niyo mga reader's? Ano kaya ang susunod na mangyayari? Itutuloy ko pa ba ang kwento?

Angel and DemonWhere stories live. Discover now