CHAPTER 5: Accident

8 0 0
                                    

Athena's POV

"Dark?! Where are you kitty, here's your food" tawag ko sa pusa. Yes, inampon ko yung pusa hahahaaha ang bait ko talaga. But in fact, pinagalitan ako ni Aunt Silva kesyo nagdala daw ako ng aalagaan sa bahay pero naawa talaga kasi ako sa pusa kaya pinagbigyan na ako ni auntie.

FLASHBACK

"Oh?!  Saan naman galing yan?! " bungad ni auntie sakin pagpasok ko sa bahay.

"Ah eh.. Auntie nakita ko po sa may garden ng school namin, eh naawa ako kaya dinala ko nalang dito" sagot ko sa kaniya.

"Eh baka magkalat yan dito, kilala mo ako Athena, ayoko ng dumi sa bahay" nakataas kilay na sabi niya.

"Sige na po auntie, nakakaawa naman po eh, sinisigurado ko pong aalagan ko siya at di magdudumi sa bahay" sabi ko naman with matching puppy eyes at paawa effect. Makuha ka sa tingin auntie.

"Oh siya sige na nga, ikaw talagang bata ka, mabuti nalang at mahal kita" pagpayag ni auntie.

END OF FLASHBACK

Kaya heto ako ngayon at pinapakain si Dark. Saturday ngayon so it means walang pasok kaya napag isipan kong ayain si Hailey para mag mall. Nagpaalam na rin ako kay auntie at umalis para sunduin si Hailey.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Luke's POV

Now I know where she lived after a 2 weeks of following her. Why? I don't know, it's just that I wanna know her, I'm curious about her, and I'm interested with her, I mean with her life.

So I'm driving my car, as usual, I'm following her. Saan naman kaya pupunta ang isang 'to? At wala pa talagang kasama...

Oh shit!  Why I am concerned with her? Napasabunot nalang ako sa aking buhok dahil sa mga naiisip. Ang sakit sa ulo.

"Arghhhhhh! Fuck this life" sigaw ko sa loob ng sasakyan.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Athena's POV

"Baby you're all that I want, when you lie in here in my arms, I found it is hard to believe we're in heaven" kanta ko habang nagmamaneho nang biglang may dumaan sa harapan ng sasakyan ko. Kaya imbis na mabundol ko kung sino man yun ay bigla ko nalang pinihit ang manibela papunta sa gilid ng kalsada.

"BOOMMMMM" tunog ng sasakyan ko nang bumunggo sa isang puno. Dahil sa malakas na impact ay bumunggo ang ulo ko sa dashboard ng sasakyan at unti-unting nawalan ng malay pero bago tuluyang dumilim ang aking paligid, isang pigura ng tao ang aking nakita, and..... He have wings

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Luke's POV

"Boooooommmm" isang tunog ng pagsabog na nagpabalik sa aking ulirat.

"What the Fuck!? " bulalas ko nang makita ang sasakyan niya na bumunggo sa isang puno kaya dali-dali akong bumaba sa sasakyan not minding what do I look right now. Yes, my black wings just got visible para mapabilis ang aking pagdating sa sasakyan at kinuha siya bago pa ito tuluyang sumabog.

Isinakay ko siya sa aking sasakyan at dinala sa ospital.

*Hospital

"Sir, pwede po ba namin malaman ang name niyo? At kaano ano niyo po ang patient?" Tanong ng isang nurse na parang tutulo na ang laway sa kakatingin sakin.

"Shit! Don't mind me, just do your work" bulyaw ko sa nurse at natakot siguro kaya biglang umalis.

Nag-iinit ang ulo ko, ano bang klase ng mga tao dito. Parang mga tanga.

Pabalik- balik ako, hindi ako mapakali, samantalang yung nurse na dumadaan sa harap ko ay panay ang tingin sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Angel and DemonWhere stories live. Discover now