Athena's POV
Sa wakas, natapos rin yung klase namin, gusto ko na talagang magpahinga, feeling ko kasi bugbug sarado yung katawan ko sa sobrang pagod. Sa totoo lang di pa naman talaga naguumpisa yung discussion namin about our different subjects. Pero napapagod talaga ako. Kaya umuwi na ako para magpahinga.
Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako agad ni auntie. Binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi bago ako umakyat sa aking kwarto at sumalampak sa aking queen sized bed. Dahil narin siguro sa pagod ay agad akong hinila ng antok at nakatulog.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Umaga na nang magising ako. Grabe, ang haba ng tulog ko, para akong patay na muling nabuhay hahahahha joke lang.
So, it's another day to go to school again. I do the same routine tuwing umaga. Gumising, maligo, mag almusal, at magmaneho.
Nasa school na ako, at kakaunti palang ang mge estudyante kaya naisipan ko munang gumawi sa locker room para ilagay ang mga gamit ko. Ang bigat na kasi ng bag ko. Naglalagay na ako ng ibang gamit sa locker ko ng may mapansin akong tao, hindi lang pala ako ang nandito. Kinilatis ko kung sino yun, ang transferee pala. Di ko nalang pinansin at ipinagpatuloy ang paglalagay ng mga gamit ko sa locker.
Nagulat na lang ako nang paglingon ko ay bumungad sa akin ang nakangising ngiti ng transferee.
"What the hell?! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos?! " gulat na singhal ko sa lalaki. Biglang nawala ang ngiti ng lalaki at tinitigan ako ng maigi, it's more like a death glare. Parang nakukuryente ako sa mga titig niya, parang hinhigop ng kaniyang mga mata ang aking kaluluwa. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.. Nanginginig ako sa sobrang takot at di ko man lang namalayan na wala na pala siya sa harapan ko.
Nasa classroom na ako, wala akong maintindihan sa klase at hindi parin mawala sa aking isipan ang nangyari kanina. Marami akong katanungang gustong sagutin ngunit hindi ko alam ang sagot. His eyes, they are so black na kung titigan mo ay bigla ka nalang manghihina. Who is he? Why did my body reacted like that? He really is a mysterious guy.
"Ms. Armenth are you still with us? Okay ka lang ba? " tanong ni Mrs. Perez na nagpabalik sa aking katinuan.
"Yes Maam, I'm okay, don't worry" sagot ko naman.
Si Hailey na nasa kanan ko, bigla akong kinalabit.
"Bes okay ka lang ba talaga, kanina ko pa talaga napapansin na parang wala ka sa sarili mo? At tingnan mo oh, pinagpapawisan ka" litanya niya habang tinuturo ang mukha kong puno ng pawis.
Arghhhh. Naiinis ako sa lalaking yun. What did he do to me para maging ganito ako?
"Class dismiss" sabi ni Maam para maging dahilan ng ibang mga kaklase ko na mag ayos ng upuan nila at umalis.
Nasa cafeteria na kami ni Hailey at kumakain ng maramdaman ko na parang may nagmamasid sa akin. Inilibot ko ang aking tingin and boom! Nakita ko na naman ang lalaking kinaiinisan ko na nakatitig sa akin, biglang siyang ngumisi kaya lumingon nalang ako at itinuloy ang pagkain. Bumalik na naman ang kuryenteng naramdaman ko kanina nang titigan niya ako.
After we finished eating ay bigla kong hinatak si Hailey palabas ng cafeteria.
"Bes naman eh, bat bigla bigla kang nanghahatak? " inis na reklamo sa akin ni Hailey.
"Shut up Hailey" mariing sagot ko sa kaniya.
"Hoy babaeng ka, wag mo kong ma shut up shut up huh, kilala kita, ano ba kasi ang nangyayari sa'yo? " dagdag pa niya.
"Wala, tara balik na tayo sa classroom" sabi ko nalang sa kaniya.
Buong araw akong wala sa sarili dahil sa nangyari, kinuwento ko na din kay Hailey ang lahat. Pati nga siya natatakot din para sa akin.
Lumipas ang isang linggo ngunit hindi ko parin sinasabi kay Aunt Silva ang nangyari. Ayaw ko din naman kasi siyang mag alala para sa akin.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Hello again readers!
Anong masasabi niyo?
You are free to give feedback as well as suggest para naman makakuha ako ng clue sa susunod na plot ng story.P. S Breshille Athena Armenth at the multimedia.
YOU ARE READING
Angel and Demon
General FictionHeaven or Hell? It doesn't matter because they love each other.