Chapter 15🍷

31.7K 236 8
                                    

Hindi pa sumisinag ang araw ay nagayos na kaagad ako.Ngayon na kasi magsisimula ang trabaho ko sa kompanya namin.Well hindi naman ganun kataas ang  posisyon na ibibigay sa akin but it's a start.

Kailangan ko na kasing kumilos para makuha ko na ang trust fund ko.Nauubos na rin kasi yung ipon ko at ayaw ko naman dumepende lang kay ate.

Gusto ko na matrain para balang araw ay mapamahalaan ko ang shares ko sa kompanya.Alam ko kasi na nahihirapan na rin si ate and I want to help her.

Pagkatapos maligo ay Kinuha ko ang uniform na binigay sa akin ni ate.It was a below-knee skirt with matching long sleeves on top.Typical na pang-opisina.

Bumaba na ako para mag-almusal.Nandoon na silang lahat sa hapag.Umupo ako sa tabi ni ate at nagdasal na.

"Excited kana noh?"Tanong sa akin ni ate.Tumango ako.Sinubo ko na nang sinubo ang pagkain ko para mabilis.

"Oo naman ate noh.Malayong-malayo ito sa trabaho ko sa states.Sana lang talaga ay makayanan ko yung work na ibibigay mo sa akin."Kaming dalawa lang ang naguusap.Ang mga maids ay tahimik na kumakain habang si Rafael ay nakikinig lang sa usapan.

"Oo naman noh kaya mo yan.Ikaw pa ba?Oh siya mauna na kami." Nagpaalam na siya matapos namin.Humalik siya sa asawa niya bago kami umalis.

Kotse ni ate ang gamit namin.Sinuot niya muna ang seatbelt bago lumarga.Habang bumabyahe ay napuno ng chikahan at tawanan ang loob ng kotse.It was a fun ride.Buti na nga lang ay hindi matraffic kaya maaga kaming nakapasok.

Bumaba kami sa main entrance.Hinagis ni ate ang susi niya sa naka-unipormeng lalaki upang siya na ang magparada nito.

Pagkapasok ng kompanya ay samu't-saring pagbati ang mga natatamo ni ate mula sa kanyang mga tauhan.Mukhang ginagalang at nirerespeto talaga siya ng mga empleyado dito.

Gamit ang elevator ay pumanik kami mula sa ground floor papunta sa 6th floor.Lumubas na si ate at sinundan ko lang siya.

Pansin ko ang ganda ng interior designs nito.Gray ang kulay ng mga dingding habang black naman ang kulauy ng sunod sunod na mga booths which I assume pwesto ng mga empleyado.

"Madaam!!!"Pinagmasdan ko ang papalapit na tao sa amin.Tindig at porma palang nito ay alam ko na agad na isa siyang beki.Inaya niya siya ni ate sa gilid upang makapag-usap.Puro tango lang ang sagot ni beks.Minsan ay napapatingin pa siya sa akin.

"Oh Joanna,si Fifi na ang bahala sa iyo ha?Kung may kailangan ka sakanya ka lang lumapit.Mauuna na ako."Nagbeso kami ni ate bago siya umalis.Pinanood ko siyang makapasok ng elevator at bumuntong hininga.Humarap ulit ako kay beks.

"Hi sis!Ako nga pala si Fifi.Agent ako rito but for now tour guide muna ang role ko ditey.So ano ready kana?"Napatawa ako sa kanya.Gusto ko siya I like his energy.

"So..."Paninimula ko habang naglakakad kami."Fifi talaga pangalan mo?"Tanong ko.

"Jusq sis pangalan ko agad tinanong mo pero sige sasagutin kita.Pepe kasi ang totoo kong pangalan,Pepe Natividad pero dahil babae na ako ginawa ko nang Fifi para may arte naman kahit konte."Masaya niyang kwento.

"Amabantot naman ng pangalan mo sis."Hinampas ko siya kakatawa.

"Aray ansakit ah,pero kung sabagay...truth hurts oh siya.Eto ang Sales Department.Ito ang field ng work mo at magtatrabaho ka bilang assistant ng head manager.More on paper works at report ang gagawin mo.Don't worry bukas ka pa naman magsisimula."Palibot-libot ang tingin ko habang nagsasalita si Fifi.

"Tapos sa coworkers naman natin kung gusto mo ng funny ayan sila Mae,Hannah,Zach and of course me.Kapag medyo bitchesa naman ayan sila Amanda,Vivian,at Rhian.Kapag seryoso sila James,Daniel,Alicia yan yung mga workaholics then yung iba hindi ko pa mastado close."Pagpapaliwanag niya.Tinignan ko yung mga tao.Mukhang busy talaga sila sa trabaho nila.Ni hindi maalis ang mata nila sa monitor.Sa taas ba naman ng sweldo nila paanong di sila magseseryoso.

Unexpected AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon