Namimiss ko na siya

50 0 0
                                    

1.

Matagal ko na rin inantay na magpakita sya. Siguro 4 na buwan na rin naman mula nung umalis sya nang di ko nalalaman. Inaliw ko na lang muna tong sarili para naman di ako mainip sa pagbabalik nya, alam ko babalik sya. Oo, babalik sya at di magiging drawing lang yun sa utak ko , di ko nga lang alam kung kelan. Bukas, makalawa, sa susunod na araw sa weekend, kinsenas, katapusan ? basta babalik sya. 

Namimiss ko na sya. Siguro kung babalik sya , di ko na muli syang papakawalan. Yayakapin ko sya ulit ng mahigpit, hahalikan sa noo, hahawakan ko yung kamay nya , ipagtitimpla ko ulit sya ng kape, magpupuyat ulit kami hanggang sa sumikat yung araw , manonood sa sinehankapag gusto namin yung palabas, lalabas at tatambay lang sa parke maghapon, basta lahat ng ginagawa namin dati gagawin ulit namin yun na kapag bumalik sya . Yung para bang makakaliutan ko na umalis pala sya at nawala ng ganung katagal. 

Akin Ka Lang Ah ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon