Pagkilala

11 0 0
                                    

ELLY POV

Umpisa na naman ng pangangampanya ng mga kandidato sa lugar namin, marami sa kanila makikita mo lamang kapag malapit n ang eleksyon, andun makikipagselpie, or pupunta sa mga eskwelahan para mamudmod ng mga school supplies, magpakain sa bawat barangay. Kung tutuusin napakabulok ng pamamaraan nila pero bentang benta pa din sa mga tao.

Kung iisipin mo pera ng bawat butante ang ginagastos nila, hindi naman personal na pera na galing talaga sa bulsa nila.

Marami sa mga tao ngayon kung sino lang ang kilala or natatakbuhan nila kapag kailangan ng tulong yun at yun lang ang iboboto nila, kahit pa limpak limpak na pera na ang naibubulsa ng kandidato na gusto nila.

Kelan kaya magbabago ang pananaw ng tao pagdating sa pagpili ng kandidato?

Tulad ngayon paikot ikot ang sasakyan nila napakaingay halos kabisado mo na lahat ng jingels nila, simula ba naman umaga hanggang gabi yun at yun ang maririnig mo.

Ano naman kaya ang mga ipapangako nila sa tao para lang makuha ang minimithi nilang boto.

Elly malayo na naman ang tingin mo anak, ano bang iniisip mo diyan at kanina pa ko nagsasalita dito, para akong kumakausap sa hangin.

Ay! Nay sorry po, may iniisip lang po ako. Ano ho ba abg tinatanong po ninyo sa akin?

Ang sabi ko kung may napili ka na bang kandidato sa pag ka mayor at vice mayor? Napakahirap kasing pumili ngayon ultimo sa pag ka senador napakadami at napakahirap pumili dumagdag pa yung party list na yan. Ano ba sa tingin mo ang dapat gawin para malamin natin kung tama ang ating napiling kandidato, yung hindi natin pagsisisihan ang pagpili sa kanya.

BOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon