Pagkilatis

8 0 0
                                    

ALING SONIA POV

Simula ng magkaisip ako ang lagi kong naririnig ay kung sino ang dapat iboto, mula sa mga magulang ko, kapitbahay at mga taong nakapaligid sa akin.

Ano nga ba ang halaga ng aking boto?

Nalaman ko na lamang ang halaga ng aking boto ng matuto akong kumilatis ng kandidato. Hindi biro ang kilalanin ang isang kandidato dahil lamang sa na endorso ng mga sikat na personalidad. Ang pagkilatis sa kanila ay ang mula sa pamilyang kanilang pinagmulan, ang uri ng pamilya na meron sila, kung ano ba sila bilang isang anak, kapatid, kapitbahay, kaibigan.

Marami sa atin ang nabubulag dahil sa sila ay kilalang tao o dahil sa mga nakikita natin sa telebisyon o sa internet.

Ang isang kandidato na ang hangarin ay tumulong sa nasasakupan niya ay gumagawa ng hindi inihahayag sa mga telebisyon o internet o maging sa diyaryo.

Ang isa pa sa tinitignan ko sa bawat kandidato ay kung paano sila makisalamuha sa mga taong mahihirap. Ano ang magagawa nila lalo na sa mga taong halos walang matakbuhan sa sobrang hirap ng buhay nila.

Marahil ay tama ang anak ko maging mapanuri tayo sa mga kandidato na tatakbo. Alamin ang hangarin nila sa kanilang pagtakbo.

Kung ito ba ay dahil sa kapangyarihan at salapi o dahil sa hangad nilang makatulong sa bayan at mapaunlad ito.

Sa panahon ngayon ang tanging nakikita ko na magtatagumpay ay ang taong may busilak ang puso. Hindi kailanman malilinlang ninuman ang tao kapag ang isang kandidato ay ipinakita ang pagiging mapakumbaba anuman ang ibatong paninira sa kanya, hindi niya bibigyan ng pansin bagkus ay ngingitian lamang at magpapatuloy sa kanyang ipinaglalaban.

Harinawa mapili natin ang karapat dapat na tao ngayong halalan na magaganap.

Hi guys, hope nauunawaan nyo ang aking mga inihahayag at magkaroon tayo ng konting kaalaman. Maraming salamat po muli.

Drizzleanne....

BOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon