ELLY POV
Dumating ang araw ng halalan nakapila kami ng aking ina, upang bumoto. Dala-dala ang bawat pangalan ng kandidatong aming iboboto, dalangin namin na manalo sila. Dahil hindi madali para sa amin ng aking ina na pumili ng karapat-dapat na mamuno sa aming lugar at sa ating bansa.
Sa mga napili namin, hangad namin ang tunay na pagbabago, maibsan ang paghihirap namin at ng ating bayan, simula sa droga, patayan, korapsyon, rape at iba pang problema ng ating bansa.
Na sana, sana kayo ang magbigay ng panibagong mukha ng kagandahan at kalinisan ng ating bansa.
Ang tanging ipinagdadasal namin ay bigyan ninyo ng halaga ang bawat boto namin, gawin ninyo ang inyong tungkulin ng may takot sa Diyos at pagmamahal sa inyong bansa.
Bigyang halaga ang mga guro, sundalo, pulis, bumbero, mga doktor at nurse na naglilingkod ng tapat sa ating bansa.
Himukin ang mga rebelde na magbagong buhay. Bigyan ng pagkakataon na maitama nila ang kanilang maling paniniwala.
BINABASA MO ANG
BOTO
RandomAng boto ay isang napakahalagang papel para sa isang bansa. Boto ng tao ang magluluklok sa isang tao para mamuno at magsilbi sa bayan. Para kanino ang iyong boto?