Capítulo uno
Thirteen years old ako nang mag simula ang pag kirot sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang mga bagay na pamilyar sa akin, lalo na ang pangalang 'Puay' akala ko noon ay mawawala din ito. Subalit sa pag lipas ng panahon ay mas lumalala na ito
Sa bawat pag kirot ng kung ano sa aking dibdib ay kasabay nito ang mabigat na pag tulo ng mga luha mula sa aking mga mata.
"Alya hindi ka pa ba tapos?" tanong ni Astrid habang kumakatok sa cubicle ng cr kung nasaan ako ngayon.
Nanatili lang naka hawak ang kanang kamay ko sa aking dibdib at dahan-dahan na pinihit ang pintuan palabas. Nagtaka si Astrid sa itsura ko kaya naman agad nya akong nilapitan
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nya. Binigyan ko lang sya ng ngiting pilit bago sumagot "na impatso ako sa katakawan ko" pagsisinungaling ko dahilan para ngumiti si Astrid
"Pupunta ka sa Concert mamaya?" tanong nya habang kami'y naghuhugas ng kamay. "Hindi ko alam" sagot ko, Gusto ko mag pahinga mamaya dahil sobrang dami ng ginawa namin ngayong linggo.
"Sayang naman,, hindi mo ba susuportahan si TKD?" tanong nya habang naka ngiting nakaka loko, binatukan ko na lang sya bago kami lumabas ng Cr. Dahil binabalikan nanaman nya ang past relationship ko
"Goodbye Sir Chavez" paalam namin kay Sir bago kami umuwi. Inayos ko lahat ng gamit ko tsaka ako nag unat-unat dahil kinabukasan ay sabado na at buong araw nanaman ako matutulog bukas
"Aray" sinamaan ko lang ng tingin si Uno dahil kinurot nanaman nya ang pisngi ko. "Tara tusok" pagyayaya nya tsaka nya ako inakbayan at hinila palabas ng classroom
Habang naglalakad kami ay hindi maiwasan ang mga matang naka tingin sa amin. Ganito naman dito sa Pilipinas e, kapag nakita lang na may kasama kang lalaki iisipin na jowa mo agad
"Ah 'di ba kaka break lang nila ni Jacob?"
"Sila na agad?"
"Makati talaga"
Mga siraulong maiissue 'to wala talagang pinipiling lugar para mag chismisan, hindot 'yan
"Huwag mo na sila pansinin" sabi ni Uno na ngayon ay naka ngiti na dahil makaka tikim nanaman sya ng libre
"Kuya 10 pesos po na fishball tapos tatlong isaw....tsaka 10 pesos na atay at isang lemon juice" sabi ni Uno sa nagtitinda, akala ko tapos na sya umorder pero bumanat pa pala ang gago
"ibawas nyo na lang po sa kanya ung mga binili ko" napanganga ako sa sinabi nya dahil akala ko ililibre nya ako dahil sya ang nagyaya, pero mali pala
BINABASA MO ANG
Until we meet again
Ficção AdolescenteSa likod ng kanyang mga ngiti at tawa ay may lihim syang matagal na itinatago. Maraming taon na ang lumipas ngunit sa puso nya'y hindi ito mawawala Mauulit ang nakaraan sa ilalim ng liwanag ng buwan at magbabago sa pag sapit ng Eclipse "Kung saka...