Chapter Two
I closed my eyes tightly after I just sent him a message. It's just a simple 'hi'. I have never been this interested in a boy before. Hindi rin ako nauunang mag-chat. Okay, I think I already have a crush on him. He's just so adorable! He's handsome and cute at the same time.
Hinanap ko na rin siya sa Instagram. Napapangiti at natutuwa ako sa mga nakikitang pictures niya. Am I stalking him? I've never done this before, too. Pero okay lang naman, 'di ba? This is just normal? I mean, ginagawa rin naman siguro ito ng iba sa social media ng crush nila, right?
Nakita kong na-seen na niya ang message ko. I waited but wala pa rin siyang reply. I typed another chat.
[Thank you for accepting my friend request?]
I sent.
What the hell?
At may question mark pa talaga sa message ko. Para saan? Ano ba 'yan, Erich!
I don't know if this is right. I was never this nervous or what before when chatting someone. This is just kind of weird. I don't really know.
[I'm Sheri's cousin.]
I added.
[Hey,]
He replied!
[Hi!]
Pakiramdam ko parang tanga ang reply ko? No. It's okay. Kinalma ko ang sarili ko.
Habang nag-iisip ako ng susunod na sasabihin o i-t-type ay may reply na ulit siya.
[I didn't know Atty. Molina's daughter has a cousin?]
[I mean, I haven't heard or seen you before.]
I immediately typed in a reply. Mukhang marami siyang reply sa akin ngayon, ah.
[I just got here. I'm from Manila.]
[Vacation?] - he asked.
[Not really. I'll be studying for my 12th Grade here.]
I replied.
[Oh, okay.]
[Yeah]
Is our conversation dying now?
[Welcome to Zamboanga, then?]
Napangisi ako at muling nag-type nang makita kong may reply pa siya sa akin.
[Thanks!]
Kaya kinabukasan ay nahuli pa ako sa pagbangon. Napasarap yata ang tulog ko. Pupunta pa naman kami ngayon sa island. Buti nahanda ko na ang mga gamit ko kagabi pa. Nagmadali lang akong magbihis at nag-ayos.
"Napuyat ka ba kagabi?" tanong sa 'kin ni Sheri.
"Hindi naman. Bakit? May eyebags ba ako?"
Umiling ang pinsan ko. "Wala naman. Maganda ka pa rin." Sheri Sa in.
Ngumisi ako. "Thanks! Ang ganda mo rin!" puri ko sa kaniya at nagmadali na rin kaming sumunod kanila auntie at uncle na nasa baba na.
Pumasok ang sasakyan ni Uncle at nag-parked sa loob ng Paseo del Mar. Isa itong park na kaharap ang dagat. Galing sa Paseo ay sumakay naman kami ng motorized boat para marating ang magandang Santa Cruz Island.
I immediately appreciate the beauty of the island. Kumain muna kami saka naghubad na ng shorts at cover up at tinira na lang ang swimsuit para makalusong na sa dagat. Medyo matagal na rin 'yong huli kong nakapunta sa beach. It's so relaxing now.
Nag-picture rin kami ni Sheri at nina Auntie Shirley at uncle. Auntie said that she will also send it to my mom sa messenger para makita rin nina Mommy ang mga pictures namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Hermosa Series 1: Dear Journey (Book 1)
Teen Fiction17-year-old Erich Gomez was sent to her mother's hometown in Zamboanga City, after she was caught kissing a boy schoolmate in an empty classroom at their school. Pinagkatiwala siya ng mga magulang sa uncle niyang naninirahan sa lungsod kasama ang as...