Chapter Four
"Dito tayo." Hila-hila ako sa kamay ni Jazel habang naghahanap kami ng mauupuan sa loob ng gymnasium ng Ateneo de Zamboanga University.
Weekend iyon at nakapagpaalam naman ako kanila auntie at uncle sa bahay.
"Parang practice game lang nila ito pero supportive talaga akong girlfriend kaya nandito ako ngayon!" sabi sa akin ni Jazel.
Ngumisi lang ako sa kaniya.
Nakita naming naroon na rin sa court sina Gale at Luke. Nag-angat ng tingin si Luke sa bleachers kaya nakita niya kami. Sinalubong ko siya ng ngiti ko nang makita ko namang napunta at lipat sa akin ang tingin niya, at bahagya ko pa siyang kinawayan. I acted cute when I waved my little hand at him. And he smiled handsomely at me after that so I think worth it din ang pagpapa-cute ko sa kaniya.
And the game started.
That was the first time I saw him play ball. And he actually play well. Parang naging proud pa ako sa kaniya habang nakikita ko siyang naglalaro roon. Ang sabi pa sa akin ni Jazel sa tabi ko ay magaling din si Luke sa acads niya. Mukha nga naman kahit tingnan mo pa lang siya. Parang ang perfect niya, kahit wala naman talagang ganoon.
"Kahit minsan troublemaker din 'yan pero okay naman talaga siya." Jazel said beside me.
Napabaling naman ako sa kaniya. "He caused trouble?" I asked.
Jazel nodded. "Minsan. Medyo nagrerebelde rin kasi 'yan minsan sa parents niya. Busy kasi sila ni tito at tita sa hospital, parehong doctors. Kaya minsan siguro hindi na rin nila napagtutuunan ng pansin si Lucas."
Nabalik ang tingin ko kay Luke sa baba ng court na naka-shoot na naman ng bola. I clapped my hands mindlessly. Naisip ko pa rin 'yong sinabi lang ni Jazel.
Kung ganoon pareho pala siguro kami ni Luke. Busy din sina Mommy at Daddy sa work nila. I also want their attention kaya minsan sinasadya ko na nga siguro talagang gumawa ng paraan para magpapansin din sa kanila. Minsan may ginagawa rin ako sa school kaya napapatawag din sila roon. Pagsasabihan ako ni Mommy pero pagkatapos noon ay lalabas kaming pamilya minsan, or they would spend more time with me.
Bumaba na kami ni Jazel mula sa bleachers nang natapos ang practice game para salubungin sina Luke at Gale. May towel at Gatorade si Jazel para kay Gale. May extra'ng Gatorade pa kaya kinuha ko na iyon at dinala palapit kay Luke na lumapit naman sa dala niyang gym bag.
Naramdaman ko ang mga mata ng ibang players na nakatuon sa akin pero hindi ko na pinansin iyon. Diretso lang ako kay Luke.
"Hey," bati niya.
I greeted him, too, and with a smile. "Here," inabot ko sa kaniya ang dalang Gatorade.
"Thanks," aniya.
"That was a nice game. Ang galing mo!" I complimented.
He looked at me. "Really?"
I nodded my head. "Yes."
"Lunch," tawag ni Gale.
Lumapit na rin sila ni Jazel sa amin. "Parang gusto ko ng barbeque. Tetuan tayo? Sa may Kogi-Q na lang." ani Jazel.
Luke looked at me. I shrugged. "Okay lang. Kayo?" I said.
So we agreed to eat out at a barbeque restaurant Jazel just mentioned. Sumakay pa kami sa sasakyan patungo roon. We used Gale's car. Walang dalang driver at sasakyan si Luke at nagpasundo lang siya kanina kay Gale sa bahay nila.
"Saan tayo after lunch?" Gale asked Luke.
Gale and Luke are best friends since freshmen year, according to Jazel. Naging sila naman ni Gale simula noong Grade 8 daw. Nagkakilala sila sa chat 'tapos nag-meet hanggang naging sila na nga. Medyo madaldal din talaga si Jazel. But I kinda like it. Hindi siya boring kasama at kausap.
BINABASA MO ANG
Hermosa Series 1: Dear Journey (Book 1)
Teen Fiction17-year-old Erich Gomez was sent to her mother's hometown in Zamboanga City, after she was caught kissing a boy schoolmate in an empty classroom at their school. Pinagkatiwala siya ng mga magulang sa uncle niyang naninirahan sa lungsod kasama ang as...