Sana Sinabi Mo

93 0 1
                                    

Isa sa pinakamahirap na pagsubok sa buhay ay ang magmahal.

Lalo na kung yung taong minahal mo ay inakala mong minahal ka talaga ng totoo.

Masakit magamit, masakit malaman na sa kabila ng lahat ng effort at love na binigay mo sa isang tao ay ginawa ka lang pala nyang panakip butas. Ika nga, mahirap ang maging rebound girl. Masakit. Sobra.

Ang sakit malaman na sa bawat oras na magkasama kayo, hindi pala totoo ang lahat ng pinapakita at pinaparamdam nya sayo.

Ang pinakamasakit pa ay yung nag-mukha kang tanga at umasa pang maayos at magiging totoo rin yung feelings sayo ng isang tao na minahal mo ng totoo.

Umasa ako. Na baka may tayo pa rin hanggang sa huli kahit na niloloko mo lang ako.

Sana sinabi mo, na may inaantay ka lang palang bumalik.

Sana sinabi mo, at ibibigay ko naman sayo yung kalayaan na gusto mo.

Sana sinabi mo, nang hindi na sana ako umasa na baka pwede pa, na baka tayo pa 'rin talaga hanggang sa huli.

Sana sinabi mo, para naman napakita ko sayo na mas karapat-dapat ako at 'di ko deserve na lokohin lang.

Sana sinabi mo.

Nang hindi na sana nangyari sakin 'to.

Pero hindi lahat ng niloko at sinaktan ay mananatiling nasa baba.

Natututo rin silang bumangon.

Sana Sinabi MoWhere stories live. Discover now