Chapter One
"Rheinna, bakit naman tinanggihan mo yung offer sayo ni Mr. Gumabao na maging designer ng susuotin na gown ng anak nya sa kasal?" Kasama ko ngayon si Leive, tinatapos namin yung designs na kailangan naming i-submit sa Prof. namin bukas.
Isa akong Fashion designing student sa isang university sa Manila. Pareho kami ng course ni Leive at were classmates.
"Hays, baliw kaba? Masyado na tayong maraming ginagawa. Wala nakong time para sa mga offers. Alam mo namang kailangan na nating i-submit lahat ng requirements natin dahil matatapos na ang sem." sagot ko habang patuloy sa pag-sketch ng mga designs na ipapasa namin bukas.
"Ok, sayang naman. Malaki pa naman yung offer na bayad. Makakatulong sa pagpapagawa nyo ng bahay." may tono ng panghihinayang sa boses nya.
Napahinto ako sa pag-sketch at napa-isip.
Kilalang may-ari ng isang sikat na mall si Mr. Gumabao at kaya nya akong bayaran ng malaki para lang maging designer ng susuotin na gown ng anak nya sa kasal nito. May pinapagawang bahay si Mama sa Caloocan at kailangan namin ng extra money para matapos agad yung bahay.
"Kahit ako nanghihinayang, malaking tulong na kaya yun sa pang-tuition ko at pagpapagawa ng bahay namin."
"Keri mo naman yan 'di ba? Ikaw pa ba?" pagmo-motivate nya sakin sabay ngiti ng malaki.
"Pero..., 'diba next next week na yung kasal?"
"Yes, pero aabot pa naman. Sa isang araw naman na yung exam at marami kanang time para magawa yung design."
"Eh pero kailangan magawan ko agad ng design yun as of this week para magawa na. Hays parang di yata kakayanin."
"Alam mo ang nega mo. Kaya mo yan. Marami naman na tayong vacant time this week eh. Masisingit mo naman yan. At besides, i will help you naman." sabay ngiti at pataas-taas pa ng kilay.
"Sige na nga, thank you Leive ha? Buti nalang andyan ka para i-push ako na i-pursue yung mga kailangan kong gawin." saad ko sabay yakap kay Leive.
Niyakap din ako ni Leive saka sya nagsalita.
"Welcome bessywap, basta ikaw. Oh sya we need to finish this sketches because were running out of time."
Natauhan naman ako saka ako bumitaw sa pagkayakap sa kanya at nagpatuloy sa pag-gawa ng sketches at designs na requirements namin this sem.
Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Leive para pumasok sa school. Medyo excited kami pumasok dahil ngayon na malalaman kung kaninong sketches at designs nga ba ang nag-standout this sem.
Pagdating namin sa room ay agad naming pinasa sa Prof. namin yung mga designs na ginawa namin. Hindi naman sa pagmamayabang but for the 3rd time, sketches at designs ko na naman ang nakukuha ng may pinakamataas na grade samantalang pangalawa naman yung kay Leive.
Pagdating ng lunch time isa-isa akong kinong-gratulate ng mga classmates ko. Dumiretso kami ni Leive sa cafèteria para kumain.
Agad kami umupo sa vacant na seats at umorder ng foods. Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Mr. Gumabao.
"Do you think kaya ko gawin yung offer?" Tanong ko kay Leive habang nakahawak sa calling card ni Mr. Gumabao.
Napatingin sya sa calling card at agad na sumagot.
"Hays Rheinna, how many times ko bang uulitin na kaya mo yan? Just think positive. This is not only for your sake but also for your family, right?" sagot nya sabay subo ng Mocha cake na inorder namin.
Napabuntong hininga na lang ako saka tinype yung number na nasa calling card.
I can do this. Kailangan kong gawin 'to para sa pag-aaral ko at family ko. I want to help my family so kakayanin ko.
Dinial ko agad yung number then agad na sumagot si Mr. Gumabao sa kabilang linya.
"Hello? What can I do for you?" sagot ni Mr. Gumabao sa phone.
Napatingin naman ako kay Leive at napatango naman sya.
Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga then I answered.
"Ahm, good afternoon Mr. Gumabao, this is Rheinna Cortez the one who you had talked to last time." magalang kong sagot.
"Oh, Rheinna? The designer that Mr. Estrella suggested me? What can I do for you? Did you changed your mind about my offer?"
Napatingin ako ulit kay Leive saka sumagot.
"Yes I am sir, can I ask if you had already found another designer to design your daughter's wedding gown?"
"Oh, we don't find another yet. Sabi ko na nga ba at magbabago rin ang isip mo. Mr. Estrella told me that your designs is authentic and really elegant so that's why I really want you to be my daughter's designer."
"Yes sir I changed my mind. Tinatanggap ko na po yung offer nyo. And I will make sure that your daughter will be the most beautiful girl that all of us can be seen on her special day."
"Oh that's a great news, so pwede ba tayo makapag-usap ng personal kasama yung anak ko?"
"Oh sure sir, kailan nyo po gusto?"
"As soon as possible sana."
"Ok sir, Im free tomorrow. San po ba tayo mag-uusap?"
"Ah dito nalang sa Mansion, papasundo nalang kita bukas sa driver namin."
"Ok po sir, bukas po after class ko didiretso napo ako agad. Sa parking lot nalang po ng school ko antayin yung driver nyo Sir."
"Ok Ms. Rheinna, see you. Thank you."
"Thank you very much, Sir."
Pinatay na ni Mr. Gumabao yung call.
Napahinga ako ng malalim.
Thank god at natanggap ako.Tinignan ko si Leive na patuloy sa pagkain.
"Leive, Omg! Kakausapin na nila ako bukas!" pasigaw kong balita kay Leive.
Napatingin samin yung ibang tao sa cafèteria kaya natauhan ako at bumalik sa ayos.
"Congrats, I know you can do that job well. Goodluck bessywap." pagbati ni Leive sabay higop sa freakshake nya.
"Thanks Leive. Yes I can do this well, for my family." sagot ko sabay subo ng Mocha cake.
*******
YOU ARE READING
Sana Sinabi Mo
RandomMay mas sasakit pa ba kapag nalaman mong niloloko ka lang ng taong minahal mo ng totoo? May mas sasakit pa ba kapag nalaman mo na sa kabila ng love at effort na binigay mo sa isang tao ay isa ka lang naman palang panakip butas or simply as a rebound...