SSM3

43 1 1
                                    

Chapter Three

"Ingat ka bessywap, Goodluck din pala sa design proposal mo kay Ms. Angelie." paalam sakin ni Leive dahil pupunta ako sa bahay naming pinapagawa para bisitahin sila Mama.

Ngayon din ako makikipag-usap kay Ms. Angelie para ipakita yung mga sketches na ginawa ko para sa napili nyang color at designs. Maaga akong umalis para dumaan muna sa Mansion nila Mr. Gumabao.

Pagdating ko sa Mansion si Ms. Angelie at ang fiance nya ang sumalubong sakin. Nasa business meeting daw si Mr. Gumabao kaya wala.

Agad kong pinakita yung mga sketches ko. Nahirapan pumili si Ms. Angelie dahil lahat daw ng sketches ko ay maganda.

Natagalan din sa pagpili ng wedding gown design si Ms. Angelie. Napili nya ang isa sa pinaka-magandang design na nagawa ko. I designed that gown for Ms. Angelie pero gusto kong ayun din ang suotin ko sa mismong kasal ko. That gown is the most elegant design I ever did. Masyado lang ata akong naging dedikado sa pagde-design kaya nagawa ko ang napakagandang White off-shoulder gown na 'to.

"Ms. Angelie you made the best choice. This gown is one of my favorite and elegant designs." Nakangiti kong sabi nang sabihin sakin ni Ms. Angeli na ayun nga yung napili nyang design.

"Lahat naman ata ng pinakita mong designs ay napaka-ganda, but these one caught my heart." Masayang tugon ni Ms. Angelie sabay pakita sa fiance nya nung sketch.

"Thank you Rheinna, I know that you can make my fiance the most beautiful woman on our special day." papuri ni Mr. Laurence na fiance ni Ms. Angelie.

"Your welcome sir, I will do my best para di kayo magsisi na ako yung napili nyong designer."

Isa pa, isang himalang araw yata ito dahil di ko nakita ang manyak na anak ni Mr. Gumabao na si Raven.

Pagkatapos namin mag-usap agad akong nagpaalam na aalis na para pumunta na kina Mama sa Caloocan.

Pagdating ko sa bahay namin naabutan ko si Mama at Papa sa labas na magkausap. Agad ko naman silang tinawag at agad din silang lumapit sakin para yakapin ako.

Agad nila akong niyaya pumasok para kumain na. Pagpasok ko sa bahay ay agad nag-unahan tumakbo papunta sakin ang dalawa kong bunsong kapatid na sina Earl at Pearl. Mahigpit na yakap ang pinakawalan nila pagkalapit sakin. There is no better place than home talaga.

Uupo na sana ako sa dinning table nang may isang lalaking nakayuko ang lumabas galing sa banyo.

Halos matuod ako sa kinatatayuan ko nang iangat nang lalaking yun ang ulo nya. The heck, si Raven Gumabao. So seryoso talaga si Mama na si Raven nga yung Engineer na tumutulong sa amin.

Natauhan ako sa kinatatayuan ko nang biglang magsalita si Mama.

"Ay anak si Engineer Raven nga pala, yung sinsabi kong tumutulong sa pagpapagawa nitong bahay." pagpapakilala ni Mama sabay turo kay Raven.

Napa-iwas agad ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Raven.

Napatitig sakin si Raven saka nagsalita.

"Wait, I know her. She is the wedding gown designer of my sister." Gulat na sabi niya habang naglalakad papalapit sakin.

"Oh magka-kilala na pala kayo eh." Nagtatakang tugon ni Mama.

Habang naglalakad papalapit sakin si Raven lalo ko pang niyoko ang ulo ka at nagkunyaring busy sa paghahanda ng mesa para kumain.

"Gotcha! Ikaw nga. Ang liit talaga ng mundo." Nakangiting tugon ni Raven nang masiguradong ako nga yung babaeng tinutukoy nya.

Sana Sinabi MoWhere stories live. Discover now