A/N Hi, I know it took me years before I came back to update this series. I hope you'll enjoy reading this story the way you enjoyed it years ago. Thank you so much for reading my first love, Ferell Series <3
Chapter 1 Message
Linnalyn Isabelle Hidalgo to Isabella Valentine Satchel.
Sinong mag-aakala na ang halos perpekto kong buhay noon ay may nakatagong matinding sekreto?
I was an adopted daughter, pero ni minsan ay hindi naging hadlang ang dugong nanalaytay sa akin para itrato ako bilang isang tunay na anak ng mga umampon sa akin.
Being Linnalyn Isabelle is something I wouldn't regret. Who would have thought that the a simple office woman a daily problem of getting home early, cooking her own foods, and trying to make her small condo organized, would turned to a different version of a woman?
The underworld calls me the Hummmingbird.
Sa isang iglap, ang tahimik kong pamumuhay sa harap ng isang computer ay biglang naging komplikado. From pen to a gun, from office documents to syndicates top secrets, from the office calls to agency mission calls, from simple cars to rally trucks, and lastly from light to dark reality.
I was one of those little girls before who wished for a fairy tale, but mine is a bit different. It had no wands, magics, or castles, but guns, bombs, and ambush cars.
But just like a princess, I have my own kind of prince. A brown eyed prince, not by royalty, but a prince full of dignity and endless ability.
A small smile crept on my lips as I glanced at him.
Napakarami na naming naranasan dalawa, ilang beses bumagsak at tumayo, lumuha at ngumiti nang sabay. Maging ang walang katapusang pagbabago sa mga bagay na nakapaligid sa amin sa bawat pagtakbo ng oras ay uri rin ng pagsubok na buong tapang namin sabay na hinaharap.
Bumalik ang alaala ko sa nakaraan at hinayaang manatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
My whole mission was to find my son, but it led me to discover someone's identity. Sinong mag-aakala na sa likuran ng mga kalokohan at pagtawa ni Armando ay isang dugong bughaw na prinsipeng lumalaban sa karapatan ng halos kalahating populasyon ng tao sa isang bansa?
The world underground is full of deceptions. Hindi mo malalaman kung kailan mo masasabing kilala mo ang isang partikular na tao.
Kahit ang sarili kong ama ay hindi ko maipagkakailang may mga sekreto pang hindi sinasabi sa akin, si Tristan, si kuya o maging ang bawat isang miyembro ng Sous L'eau.
Marahan akong bumuntonghininga.
Few months ago, we've found out that Armando's mission was not just for the entire jewels. Hindi man sabihin nito, alam naming lahat na nais na niyang kumuha ng posisyon sa bansang may karapatan siya.
But Armando was not aiming for the position itself, but its mere power to raise the value of human rights, na higit mabibigyan ng diin sa sandaling tumayo siya, hindi bilang lalaking nakaitim na may hawak na armas, kundi isang prinsipe na may dalang prinsipiyo at pagpapahalaga sa kanyang nasasakupan.
Minsan na naming pinag-usapan nina Daddy at Tristan ang sitwasyon ni Armando at ang kambal niyang si Argo. Kung dumating ang sitwasyong pipili sina Armando at Argo sa pagitan ng ahensiya at ng kanilang bansa, alam naming magiging malaking dagok na naman ito sa aming ahensiya. Dahil kahit pagbaliktarin ang mundo, mas malaki ang magagawa nilang magkatid kung nasa loob sila ng bansa dala ang kanilang mga pangalan bilang mga prinsipe.
Time will come, Armando and Argo will break my father's heart just like Rashid, Gray and Savannah.
Armando and Argo, they're now my father's favorite twins. Kung pwede ko lang silang ipagdamot, kung pwede ko lang silang ilayo sa kanilang bansa, kung pwede ko lang panghawakan ang mga salitang binitiwan ni Armando noon, pero matalino ang kambal. Alam kong susundan nila ang desisyon na mas makakatulong sa nakararami.
BINABASA MO ANG
Rainbow in the Eyes (Book 3 of Eyes Trilogy)
ActionRainbow is not just in the sky, sometimes it is in the eyes...