Chapter 3

58.2K 2.7K 908
                                    

Chapter 3: Duplicate

Tristan and Theon enjoyed our sweet family reunion. Halos hindi na mapaghiwalay ang triplets, si Theon, ang magpipinsang Ferell at si Don Garpidio sa buong bakasyon namin.

Para silang nagkaroon ng sariling mundo. While Florence, Sapphire, Nally and I just enjoyed watching them with smile. Gusto pa sana namin mas pahabain pa ang bakasyon, pero kailangan naming tanggapin na hindi na katulad ng dati ang lahat. We were not those teenagers anymore. We were adults now with big priorities and responsibilities.

I also waited for Nally's big news, but she purposely avoided the topic. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na tawagan ang kapatid ko. Alam kong mahal niya si Nally at isa ako sa magiging pinakamasaya kung siya ang lalaking nagbigay ng singsing sa kanya. But I didn't want to meddle or even make everything complicated if I tried to ask. So I waited, but even Florence and Sapphire were curious about Nally's fiancé.

Nagmamaneho na pabalik si Tristan sa aming headquarters, kalong ko si Theon na natutulog na naman. I lovingly caressed his soft hair, sinubukan kong alisin ang hinlalaki niya sa kanyang bibig pero agad niya rin itong ibinalik. I tried it again, but Theon started to cry.

"Oh, no... hush sweetheart," marahan kong tinapik nang paulit-ulit si Theon, hanggang sa tumigil na ito sa pag-iyak. Hindi pa man nakakailang minuto ay ibinalik na naman niya ang kanyang daliri sa kanyang bibig.

Tristan chuckled.

I rolled my eyes. "Manang-mana sa 'yo. LG told me about your mannerisms when you were young."

"Mawawala rin naman iyan."

"When? Kapag grade six na si Theon?"

Napalingon siya sa akin nang saglit. "W-what? Until grade six? I stopped using my thumb when I was three years old," he lied.

Hindi ba alam nitong si Tristan na sinabi na sa akin ni LG ang lahat?

Troy and LG were still kissing lips to lips to greet each other good morning until they were in grade six. Nero's tongue was twisted, unable to utter some words straight until grade six. Tristan was still nipping his thumb until grade six. Owen were always target of animal bites, while Aldus... I couldn't remember.

"Don't fool me, Tristan. Sinabi sa akin ni LG na hanggang grade six ka raw nagtatangay ng daliri! Goodness! Kailangan agapan itong si Theon."

Kumunot ang noo ni Tristan habang nagmamaneho.

"That's a fake news, Lina." Pinilit niyang gawing seryoso ang mukha niya. But I knew him too well.

"Fake news, huh?"

Hindi na siya sumagot sa akin habang kunot na kunot ang noo.

Kalahating oras na ang lumipas, hindi pa rin ako kinakausap ni Tristan. Minsan napapansin ko nang medyo napapadalas ang pagtatalo naming dalawa at karamihan ay nagsisimula ito sa maliliit na bagay. But that was part of the relationship, right? It was normal.

Sa halip na kausapin pa ang boyfriend kong mainit na naman ang ulo, sinubukan kong kausapin si Theon na natutulog.

"Your Daddy is angry... should mommy sleep somewhere na lang mamaya, Theon?" marahas siyang lumingon sa aming mag-ina.

I grinned.

"Dahil inaawa—" natigilan si Tristan sa salitang dapat sasabihin niya. Agad siyang inubo at marahas siyang umiling. Bigla na lang ako natawa sa ginawa niya.

"Inaaway?" I said between my laughter.

"Don't use that word, Lina! My cousins and I are huge haters of that word."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rainbow in the Eyes (Book 3 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon