MRMTR: 02

71 3 4
                                    


"Hindi pa rin siya nag te-text o tumatawag sayo?" Napatingin ako kay Lex. Napabuntong hininga at tumango ako.

"Tsk! Pabayaan mo siya! Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Hindi." Walang gana kong sagot.

"Ano ba naman yan?!" Di makapaniwalang bigkas niya.

"Anong klaseng jowa yan?!" Dagdag niya pa.

"Grabe ka naman." With weak voice I defended him.

"Totoo naman! Wala man lang 'Hi babe, may pupuntahan lang ako' o kaya tapatin ka na lang niya!"

Napamaang ako sakanya. "Tapatin na?"

"Na makikipag break na siya sayo!" Singhal niya.

"ANO?!" Sigaw ko sakanya. Anong break break sinasabi niya?! Ang sweet pa niya sa'kin nitong nakaraang araw
lang.

"Gaga ka. Biro lang yung break, pero seryoso, ang pinakamasakit talaga ay yung pag alis ng walang paalam tapos bigla kang babalikan na parang walang nangyare. Dude." Seryosong wika niya.

Muli akong napabuntong hininga.

"Wala namang dahilan para iwan niya ako. Diba?"

Seryosong tinitigan niya ako sa mata at muling nag salita.

"Iyon ang alam mo." Hindi ko na siya pinansin at umubob sa mesa ko.

Naging mabait naman ako, hindi ako nag tatampo, ni hindi ko nga siya minsan nakalimutan na mag send o sabihin sa kanya na mahal ko siya.

It's been three days ng mawala siya. I mean, hindi siya nag paparamdam sa'kin.

Ano bang problema Pierce?

--

1 week passed

Namumugto ang mata ko kakaiyak. Mukha akong zombie. People are looking at me like I'm crazy or what so ever.

Wala pa din siyang paramdam--meron pala. Minsan siyang nag text na I am busy. Yun lang.

Nag sisimula na akong maparanoid. Nag iisip na ako kung may nagawa ba akong mali.

I stopped texting him. Mukhang wala naman siyang pake. At yon pa ang lalong masakit.

Bakit nga ba? Bakit ba Pierce? Lex been convincing me to break up with him.

Ayoko.

Bakit? Siguro naman may rason siya. At sana valid.

"Shit! Sorry!" Agad kong sabi ng mabunggo ako ng kung sino man. I look up.

"Watch where you're going miss." Napayuko ako. "I'm really sorry."

Tumango siya sa'kin. "You look like a mess." He commented

"I'm really a mess." I mumbled.

"Silly. Come."

"Huh?" I don't know him.

"I'm Leandro Troy Brandt. I'm not a bad person tho."

Ganda ng pangalan ah. Mukhang pinag isipan.

Tumango ako. He smiled so I force a smile.

--

Dinala niya ako sa isang abandonadong building. Creepy. Akala ko mag se settle lang kami ay doon pero nag tuloy-tuloy pa kami.

Huminto lamang kami ng makarating kami sa isang room.

Pumasok kami. Namangha ako ng bumungad sa akin ang isang maayos na kwarto at puno ng portrait.

Isa-isa ko itong pinuntahan.

Ang gaganda.

Napadako ang tingin ko sa isang portrait na medyo malaki. Sobrang ganda nito. Galaxy theme, with a girl in middle of it. Ang ganda ng combination ng mga kulay.

Napatingin ako sa sulat sa ibaba.

Mon soleil, ma lune et mon étoile

--

Gdy
3|02|19

MORE MATURE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon