FieldtripVacant time ko ngayon at sa ganitong oras ay nasa may gymnasium na naman si Stacey para sa laban niya sa isang local school competetion. Buti nalang ay kakatapos ko lang magbasa para sa report namin bukas. Pagkapasok ko sa loob ng badminton court ay dun ko nga nakita si Stacey na pagod na pagod. Ilang saglit pa ay bigla itong tumumba kaya agad ako lumabas ng court para bilhan siya ng tubig. papalabas na sana ako sa pintuan ng gymnasium para bumili ng biglang may umagaw ng pansin ko.
"KLAIRE!" sigaw ni Aiden habang tumatakbo papalapit sa akin.
"Ah Aiden ikaw pala yan."
"Mukhang nagmamadali ka?"
"Nahimatay kasi kaibigan ko kailangan ko bumili ng tubig."
"Ganun ba, e-eto may tubig ako, wag ka magalala malinis yan hindi ko pa naiinom" aniya habang binibigay sa akin ang isang tubig na nasa plastik na bote.
"Salamat" nakangiti kong sinabi, ngumiti din siya at dahan dahan ng tumalikod sa akin
papaalis na sana siya ng naisip ko na gusto ko ulit itanong kung inamin niya ba kay Curt yung feelings ko.
"Aiden..."
"Hm? Miss mo agad ako?" humalkhak siya.
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya pero siniwalang bahala ko agad iyon. "Hindi mo ba talaga maalala yung sa cafe?" curious lang talaga ako kasi buong gabi yun ang iniisip ko.
"Wait let me think..." ang tagal naman neto sumagot baka hindi ko na maabutan yung kaibigan kong magising sa pagkakatumba.
"Ah yung about sa feelings mo kay Curt??" ngumisi siya.
"A-Aiden puwede ba-"
"Okay okay alam ko na ang sasabihin mo. Fine, i'll just keep it as a secret don't worry." ngumiti siya at nagpahabol ng kindat.
Argh gusto ata netong bulagin ako! Pero infairness trusted guy siya.
Habang papalakad ako sa may waiting shed para hintayin si Stacey. May narinig akong dalawang taong nagaaway sa labas ng isang nakapark na pulang Mazda. Malapit lapit yun sa tinatambayan namin kaya medyo naaaninag ko ang dalawang iyon. F*ck si Shayne yun at si Curt, parang aso't pusa kung makapagusap.
"Shayne magusap tayo ng maayos ayoko ng ganito, i'm just courting you bakit ka lumalayo sa akin? ang tagal na natin pero andito parin tayo sa stage na toh, Putangina! Mutual Understanding!? Ano tayo highschool kid?? We are already college Shayne kaya na natin palaguhin ang relationship natin. Diba parehas natin gusto ang isa't isa? Hindi ba ito yung right time para maging official na tayo, ano ba kasi ang problema-." natatarantang pagkakasabi ni Curt.
"ARGHHH! CURT STOP BEING SO DRAMATIC! Yun nga ang problema eh, ayaw sayo ng parents ko dahil magkaaway ang business niyo at bussiness namin tsaka anong mapapala ko sayo, masyado kang focus sa pride mo. Alam mo siguro nga tama sina mommy tama ngang layuan kita becuase you're worthless. Yes, gusto kita but it's not enough. Para ka lang isang pagkain na kapag napanis hindi na puwedeng kainin at kaya ko pang palitan."
Nalaglag ang panga niya sa mga sinasabi ni Shayne. Muntik na din ito matumba sa pagtama sa kanya ni shayne papalagpas sa harap nito. Kitang kita sa mata ni Curt ang lungkot at onting pahid ng luha. Damn! What's the problem with that girl!? Siya na nga ang biniyayaan siya pa ang naglakas ng loob para magwalk out?? Bakit hindi niya panindigan si Curt? Hayst ang daming questions ang pumapasok sa utak ko, gamitin ko man ang iq ko kahit isa doon ay wala akong masagot.
BINABASA MO ANG
Hanggang Panaginip Nalang Ba? (Short Story)
Teen FictionIto ay tungkol kay Danielle Klaire Rodriguez, isang top student from Herington State University. Mabait, matalino at may angkin ring ganda. Lumaki siya sa isang broken family. Simula pa noon ay may gusto na siya kay Curt Andre Guevas, isang charming...