GuitaraBuong araw ay nakatambay lang ako sa bahay, holiday kasi kaya walang pasok. Naisip kong magluto ng adobo para sa tanghalian.
Habang ako'y nagluluto ay naiisip ko ang mga pangyayari na kasama si Curt. Yung ilang beses niyang pinakita sa akin yung sophisticated smile niya.
"HOY!" sigaw ni kuya Kenneth
"Ay puta! kuya grabe bigla bigla ka nalang nasulpot!" napatalon ako dahil sa gulat.
Sinilip nito ang pagkaing niluluto ko "Wow mukhang masarap, kailan ka pa natuto magluto." Tumingin siya sa akin "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? Siguro may nanliligaw na sayo noh." humalakhak siya.
Nanliit ang mga mata ko "W-wala ah."
"Sus okay fine, buti naman at wala. Sige bunso mageentrance exam pa ko, tirahan niyo ko ha." Sabay tapik sa ulo ko.
Tss basta pagkain kailangan talaga hindi siya puwedeng hindi bigyan. Pagkaluto ko ng adobo ay sabay kaming kumain ni mama.
"Aba Klaire ang sarap ah, kuhang kuha mo ang tamang timpla." aniya.
Ngumiti ako at tinuloy ang pagkain.
*ringggg* *ringggg* alam kong cellphone ko ang tumutunog kaya kinuha ko iyon.
Shete si Stacey lang pala
"Hello?"
"Hoy babae kanina pa kita tinatawag di ka nasagot."
"Sorry naman kumain pa kasi ako, bakit ka ba napatawag?"
"Puntahan mo ko dito sa mall"
"Bakit?? May gagawin pa kasi ako-"
"Tss kilala kita pagholiday, nakatunganga ka lang sa bahay kaya lika na samahan mo ko."
Wala talaga akong magawang palusot kay Stacey. Kaya nagpaalam ako kay mama at umalis ng bahay.
Nagkita kami ni Stacey sa mall, bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinila ng malakas. Hindi ko naman matanggal ito dahil ang higpit ng hawak niya sakin kaya wala akong choice kundi magpahila nalang.
Pinapasok niya ako sa isang cafe na katapat ng mall, mukhang mamahalin nahalos teenagers ang nasa loob nito at may isa ding banda na kumakanta sa may harapan. Hindi ko gaano makita dahil nasa pintuan palang kami.
"Teka nga Stacey, bakit ba tayo nandito?" Bigla kong kinalas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya
"Para sa asawa mo." Tinulak niya ako at tinuro ang isang lalake na may hawak na guitara.
Uminit ang pisngi ko dahil first time kong nakita si Curt na tumutugtog at kumakanta. Ang daming nakatingin sa kanya, ang iba ay pinapalakpakan
BINABASA MO ANG
Hanggang Panaginip Nalang Ba? (Short Story)
Novela JuvenilIto ay tungkol kay Danielle Klaire Rodriguez, isang top student from Herington State University. Mabait, matalino at may angkin ring ganda. Lumaki siya sa isang broken family. Simula pa noon ay may gusto na siya kay Curt Andre Guevas, isang charming...