Hindi inaasahan
Lunch time na, hindi na ko makapaghintay bumili ng pagkain sa canteen sa sobrang gutom ko dahil sa sunod sunod na projects na pinapagawa samin. Tinext ko si stacey para sabay na kaming kumain, ilang saglit pa ay hindi siya nasagot sa mga messages ko.
Pinuntahan ko si stacey sa gym kung saan siya naglalaro ng badminton, andun nga siya sobrang busy sa paglalaro kasama couch niya.
Lumingon lingon ako sa paligid ng gymnasium, nakita ko si Curt na nagpapractice kasama ang mga barkada niya ng basketball suot ang kanyang varsity shirt. Umupo ako sa isang row na katabi ng badminton court para medyo kita din ang game nina Curt.
Kitang kita sa kanya ang tagaktak ng pawis sa leeg at buhok niya, lagi siyang nakakashoot para bang ako yung ring na sumasalo sa bawat shoot niya ng bola. Sa sobrang kapawisan ay ipinunas niya ang kanyang pawis gamit ang t shirt niya MAYGHASH! Kahit may pagkapayat siya meron paring abs na lumalabas.Dahil dun ang daming babae sa kanan ko ang nagche-cheer sa kanya. May isa pa nga halos mapaos na sa kakairit "WOOH! GO CURT ANDRE GUEVAS!! CRUSH NA CRUSH KITA" sh*t ang harot ng babaeng ito parang wala ng bukas.
Sa kakatulala ko kay Curt ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Stacey. Winagayway niya ang kamay niya sa mukha ko "HUY! Gumising ka nga, nakatulala ka na naman" nagulat nalang ako at pahiyang tumingin sa kanya.
"A-ah s-sorry."
"Ah kaya ka naman pala nagkakaganyan kasi andun si Curt, gusto mo bang tawagin ko"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi ang akala ko ay nagbibiro lang siya. Palapit na sana siya kay Curt ng biglang hinawakan ko ang braso niya papalayo "Sira wag, ang daming tao nakakahiya. tara na kain na tayo, kaya ako pumunta dito dahil sayo hindi sa kanya so please puwede ba sayang ang oras at hayaan mo ako na gumawa ng move para sa kanya okay." bulong kong sabi sa kanya
Sa sobrang hatak ko kay Stacey ay nabaling ang tingin ni Curt sa aming dalawa. Lumingon ako sa kanya, sa hindi inaasahan tumitig siya sakin na para bang nagtataka. Kaya tumalikod ako at inayos ko ang paggalaw ko. Binitawan ko si Stacey habang itong babaeng ito ay sigeng tawa sa mga pinaggagawa ko "Tigilan mo nga yan Klaire hahaha, mas mahahalata ka kapag ginagawa mo yan."
Kinunot ko ang aking noo at inirapan si Stacey. Binilisan ko nalang ang lakad papuntang canteen para hindi niya na kami mapansin.
Pumunta kame sa canteen at naghanap ng mauupuan.
"bakit mo naman ginawa yon Stacey" sabi ko sa kanya habang dinadabog ko ang kutsara sa plato na nasa harap ko.
Chill ka lang bes, wala namang mawawala sayo kapag ginawa ko yon diba. Tsaka bakit ba ayaw mo pang umamin." aniya.
"hindi kasi ganun ka dali, syempre pangungunahan ka ng takot. Baka kasi kapag umamin ako hindi niya na ko pansinin diba."
"Eh pano yun, kapag hindi ka pa umamin baka unahan ka ng iba."
"Hindi baleng di ako piliin niya basta makita ko lang siyang masaya kahit sa piling pa ng iba." napabugtong hininga ako.
Napalunok nalang siya sa sinabi ko at tinuloy ang pagkain.
Patapos na sana kami ng pagkain ng biglang nagsitayuan ang ibang lalake na may dalang roses and chocolates, nagtaka kami ni stacey kaya tinignan namin kung ano ang pinuntahan nila.
Dumaan pala ang barkada ni Shayne Elijah Roblez, anak ng vice president ng isang airport sa Australia at isang famous cheer dancer and hot student dito sa university. Grrrr siya rin yung no.1 crush ni Curt, pano ba naman ang ganda ganda ng babaeng yun. Naging close kami nung third year dahil naging tuitor niya ko sa mathematics. Matangkad, sexy at sobrang haba ng buhok kaya sigurado akong pati babae ay nagkakagusto dun.
"KLAIRE RODRIGUEZ!" sigaw ni Shayne habang naglalakad papunta sakin.
Lumingon ako at iniwagayway ang aking kamay habang nakangisi akong nakatingin sa kanya "Oh hi Shayne."
"Hello Klaire! Namiss kita, kamusta ka na??" pinisil niya ang aking pisngi at nginitian ako.
"U-um okay lang naman ako, eh ika-" napatigil ako sa pagsalita ng biglang bumungad saken si Curt Guevas at mga barkada nito.
"Oh shayne andito ka pala, ano punta ka ba sa laro namen??" ngiting sabi ni Curt kay Shayne. Nagsigeng hiyawan at palakpakan ang mga kaibigan ni Curt at Shayne "Iyown bro diretsuhin mo na HAHAHA" sabi ni Xander, isa sa mga kaibigan ni Curt.
Tumingin sakin si Shayne at bumaling ulit ang tingin niya kay Curt. "Oo naman susunod
ako." ngiting sabi niya kay Curt. "Yieee let's ship you two tutal bagay naman kayo." sabi ng isang barkada ni Shayne. Sa hindi ko inaasahan ay aksidenteng nayakap ni Curt si Shayne dahil sa lakas ng tulak ng mga barkada nila.WHAT THE F*CK ANG SHAKET
Nanlamig ang buong katawan ko nung nakita ko silang dalawa mismo sa harapan ko. Eto na ba yung tinatawag nilang kamalasan?? Pagkatapos kong makatabi si Curt sa biology ngayon naman ito!? Hindi ko magalaw ang sarili ko dahil puno ito ng nginig at paglalambot kahit paghinga ko ay nahihirapan din. Ano bang nangyayari sa mundo ngayon UGHHH
"A-ah s-sige alis muna ako." tumungo ako palabas ng canteen. Habang damdam na damdam ko ang puso ko na nakakaramdam ng sakit.
"Uy bes!" sigaw sakin ni Stacey habang sinusundan ako.
"Iwan mo muna ako Stacey." sineryoso ko ang pagsabe ko sa kanya. "Pero Klai-." "Iwan mo muna ako please." siguro dahil sa expresyon ng mukha ko napilitan si Stacey na iwan muna ako sa waiting shed kung saan kami natambay dalawa.
Bakit ganun, ang sikip sikip ng dibdib ko para bang may tumutusok. Sana hindi ito yung tinatawag na selos. Feeling ko sobrang lungkot ko, daig ko pa ang bumagsak sa test. Yung parang hindi ko na matignan si Curt sa mata dahil sa pangyayaring yon. Pero bakit, simpleng pangyayari lang naman yun ba't sa isip ko sobrang big deal ang lahat ng nangyari. Tsaka Curt and I don't have a relationship so wala akong karapatan para magselos. Siguro nga tama si Stacey, dapat umamin na ko kay Curt ng maaga pa para hindi ako nasasaktan ng ganito. Ang t*nga ko naman kasi, nakikipaghabulan ako sa takot.
Sa kakaiyak ko ay nakisabay na rin ang paglakas ng ulan kaya nagaalala ako na baka hindi ako makapunta sa next class ko.
Susubukan ko sanang magpabasa sa ulan ng biglang may isang mistisong lalake na nagbigay sakin ng panyo, hindi ko mahulaan ang mukha niya sa sobrang dami ng luha ko sa mata. May hawak siyang payong at matangkad.
Pagkatapos kong magpunas ay tumingin ako sa kanya. Agad ko siyang nakilala dahil kabilang siya sa mga barkada ni Curt. Si Aiden Evans, varsity player din siya ng basketball tulad ni Curt.
"Okay ka lang ba miss??" tanong niya sakin. Tinitigan niya ako at pinunas ang natirang luha sa kaliwa kong mata
"u-um o-okay lang ako, thank you pala sa panyo, huwag kang magaalala babayaran kita."
"Nako wag na miss, sayo na yan para may remembrance ka galing sakin." ngumisi siya at kinindatan ako. "By the way, i'm Aiden Evans."
Ang gentlemen naman ng isang ito. Katulad din siya ni Curt na guwapo, matangkad at astig kung gumalaw kaso mas mabait at matino ito kaysa sa kanya. Siguro madami ding babae ang nagkakagusto kay Aiden. "I'm Klaire Rodriguez."
Nung andun na kami sa main door ng university "Pano ba yan hanggang dito nalang ako, nice to meet you klaire." sabay ngiti saken paalis ng main door. Hindi ko alam kung bakit imbis na sumama siya sa barkada niya ay naisip niyang maglakad lakad sa may waiting shed
He is a nice and handsome guy, siguro ang suwerte ng magiging girlfriend niya. Kung hindi dahil sa kanya siguro magang maga na ang mata ko sa kakaiyak kay Curt.
BINABASA MO ANG
Hanggang Panaginip Nalang Ba? (Short Story)
Novela JuvenilIto ay tungkol kay Danielle Klaire Rodriguez, isang top student from Herington State University. Mabait, matalino at may angkin ring ganda. Lumaki siya sa isang broken family. Simula pa noon ay may gusto na siya kay Curt Andre Guevas, isang charming...