Xoei's POV
Tik~Tok~Tik~Tok~ Kriiiiiing Kriiiiing
Hmmmm...
"Anong oras na ba...?"tanong ko sa sarili ko habang pilit na inaabot ang orasan sa gilid ng kama ko.
"7:30 palang naman pala...tulog muna ulit ako ng konting minuto." bumalik ako sa aking pagpikit ngunit bigla kong napagtanto na "MALELATE NA AKO!"
Dali-dali akong tumayo at nag-ayos ng sarili ko.
Dahil ayoko naman na mainip kayo sa pag-aayos ko ipafastforward ko na lang ang istorya ko...
FastForward
Pagbaba ko sa aming hagdanan nakita ko ang mga maids na abala sa paglilinis ng buong bahay.
"Oh nak... gising ka na pala... kumain ka na bago ka umalis" sabi ni Mama.
"Ay hindi ma...tulog pa ako nagsisleepwalking lang ako...kita mo na nga eh...joke lang. Sa byahe na lang po ako kakain nagmamadali pa po kasi ako" sabi ko sabay yakap sa kanya sign na aalis na ako.
"Nagmamadali ka na nang lagay nayan?...hahahaha sige umalis ka na baka lalo ka pang malate" sabi ni Mama.
"Hahahaha sige alis na po ako. Babye Labyu" sabi ko habang nagmamadaling lumabas at sumakay sa kotse.
Siguro kilala niyo nanaman ako o alam niyo na ang pangalan ko...Kung hindi, let me introduce myself to all of you. I'm Xoei Maczine Villamendrez (a/n:basa po sa Xoei ay same ng sa Zoe while yung Maczine ay same ng sa Maxine*) . I'm 17 years old and incoming Grade 12 student in Academia De Andrada.
Sabi nila maganda at matalino daw ako pero hindi naman ako naniniwala doon. Sabi din nila na ang swerte ko dahil bukod sa nag-iisa akong anak ni Xyma Maree Villamendrez, isa din ang pamilya ko, ang Villamendrez, sa 10 pinakamaimpluwensyang pamilya sa Pilipinas.
Nagtataka siguro kayo kung bakit pangalan lang ni Mama ang binanggit ko. Well, it's a long story but to make it short...iniwan kami ni Papa ...for what? Kasi mas pinili niya yung ibang babae kesa saamin. Bunga lang naman ako ng arrange marriage nila eh, but habang lumalaki nakita ko na minahal talaga ni Mama si Papa kahit na pilit siya nitong pinagtatabuyan. Ito ang dahilan kung bakit ako naging manhater. Okay stop the drama and back to the main story.
"XOEI!"
"NEXIA!"
(A/N: basa po sa Nexia ay Nec-Sya)
Tawag ko sa babaeng tumatakbo papunta sakin...O diba late na kami nagbatian pa. Pero okay lang naman kasi patapos na ang school year kaya wala narin kaming ginagawa.
BACK TO THE MAIN STORY
"So, Xoei nakapagplano ka na ba sa kung anong gagawin mo this vacation?Kasi kami balak naming pumunta Greece para bisitahin sina Grandmama at Grandpapa."excited na tanong sakin ni Nexia.
Actually, wala naman talaga akong balak na gawin this summer kundi manatili lang sa bahay at makipagbonding kay Mama.
"Well, hindi pa. Pero mas feel kong matulog at makipagbond nalang kay Mama. Alam mo na mother and daughter bonding ,kasi ito nalang ang time namin para makapagbonding ulit kasi pagnagstart na ang classes busy na ulit ang sched natin..." sabi ko.
Sa pagkukwentuhan namin, hindi ko na napansin na nasa room na pala kami.
"Good morning Ma'am, sorry we're late"bati namin sa adviser namin na tila nagsisimula nang mag-anunsyo sa harap ng klase.
"Okay, please take your seats"sabi niya at nagpatuloy na kami sa aming paglalakad patungo sa aming mga upuan.
" First, gusto kong ipaalam sa inyo na hindi ito announcement. Second, I just want to say that since day one upto this day na magkakasama tayo, wala ni isang araw na ginalit nyo ako kasi bukod sa matatalino kayo...uy lumalaki na ulo nila hahahaha joke lang...dahil din kasi naging magkaibigan tayo kahit malaki ang age gap natin sa isa't isa" sabi niya na hindi mawala wala ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Uy si Ma'am iiyak na~" tukso ng isa sa aking mga kaklase at sinundan pa ito ng panunukso mula sa iba. Hindi ko naman ipagkakaila na sa loob ng 10 buwan na pagsasama namin dito sa classroom na ito ay naging isang pamilya kami at tunay na magkakaibigan talaga puwera lang sa lima...
*boogsh
Napatingin kaming lahat sa may pinto nang pumasok sila...
"Sorry ma'am we're late!"
~Sorry sa mga typo First ever story ko kasi eh. Inspired sa nabasa ko sa FEU Secret Files.
BINABASA MO ANG
It All Started With A Prank Call (Slow Update)
Teen FictionXoei Maczine Villamendrez... maganda, matalino, kalog at higit sa lahat MANHATER. . . . . . Magugulo ang maligaya niyang mundo sa pagdating nang lalaking kinaaayawan niya and worst BIKTIMA nang ginawa niya...