Chapter 2

12 3 0
                                    

Krypton's POV

" Ano ba yan, late na naman tayo. Bakit kasi ang bagal nyong kumilos?"-Sean

"Pasensya na po ha! Kung ikaw kaya ang masiraan ng sasakyan sa gitna ng kawalan, ano? Tingnan natin kung makarating ka ng maaga dito."-Kenshiro

"Bakit kasi doon ka pa sa gubat dumaan? Alam mo namang wala masyadong nadaan dun"-Sean

"Eh sa dun ako mapapadali eh atsaka wala kayang traffic dun."-Kenshiro

"Oo na oo na magmadali na po kaya tayo para hindi tayo lalong malate"-Xander

"Oo nga, tama na ang bangayan nyong dalawa baka mas lalo tayong malate dahil sa pinaggagagawa ninyo"-Zeo

Diretso lang ako sa paglalakad at hindi na nag-abala pang makisali sa usapan nila. Kahit naman kasi magsuntukan silang dalawa sa likudan ko ay magbabati at magbabati parin sila.

Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala sa inyo. Ako si Kryptonite Eonn Andrada upcoming Grade 12 sa Academia de Andrada. Yes, you read it right, my family own this school for elites.

Well I'll stop introducing myself for now and go on with my groupmates.

First is Midorima Kenshiro. Son of  Midorima Akihiro and Yabuki Yukiko na may ari ng M&Y Clothing Company. Pure Japanese, Feeling Filipino. Minsan nga napapaisip ako kung Filipino ba talaga ako kasi mas maraming alam si Kenshiro sa akin pagdating sa tagalog words.

Second is Sean Gallahad Collins. Tagapagmana ng Collins Corp. na nakabase sa US. Para sakin, silang dalawa ni Kenshiro ang pinakamaingay sa grupo bukod kasi sa palagiang pagtatalo nilang dalawa ay nagkakasundo din sila palagi sa kalokohan.

Next is Jaxon Alexander Williamson. Tagapagmana ng WS Corp. Kilala siya ng iba bilang playboy ng grupo pero kung makikilala nyo siya ng lubusan ay masasabi nyo na lang na mas matamis pa sya asukal kung magmahal.

At ang last ay si Huang Ze Lo o Zeo. Pure Chinese sya at nagiisang tagapagmana ng HuangKo's Cuisine and Restaurant. Siya ang pinaka mature at tahimik sa grupo ang pinagtataka ko lang kung kaedaran ba talaga namin siya kasi daig pa nya sina Lola Vana at Lolo Cop sa pakikipag-usap sa amin.

Sa haba ng pagpapakilala ko sa kanila hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa harap ng room.

"Sorry ma'am we're late!"- Kenshiro and Sean

"Okay, Please go to your seats." sabi ni Ma'am at ipinagpatuloy na ang kanyang sinasabi sa harap.

"So class, I will announce the names of those people na pasok sa top 10 students ng buong Grade 11 this year. And I am happy to announce na nakapasok ang 9 sa inyong klase. When I call your name please go here in front please."

"Top 9  Midorima Kenshiro...   Top 8 Mary Madeleine Gonzales...
Top 7 Sean Gallahad Collins...
Top 6 Jaxon Alexander Williamson...
Top 5 Zyris Odette Franxia ng Grade 11 section 2...
Top 4 Corrine Enares...
Top 3 Janexia Marcella Myrqueza...
Top 2 Huang Ze Lo

And last but not the least the Top 1 is..." ano ba yan... pasuspense si Ma'am alam ng lahat na ako ang top 1.

"The Top 1 are Xoei Maczine Villamendrez and Kryptonite Eonn Andrada... Congratulations to the both of you"

Xoei's POV

"The Top 1 are Xoei Maczine Villamendrez and Kryptonite Eonn Andrada... Congratulations to the both of you"

What?!?tama ba yung narinig ko me and that guy?! TOP 1?! No way...

"Ma'am hindi po pede na dalawa ang maging top 1..." sabi ko kay Ma'am habang nakatingin sa hambog na lalaking nakatie ko sa ranking.

"Why not?! Sa pagkakaalam ko wala namang isyu kung dalawa ang nangunguna sa ranking... diba po ma'am" sabi nya habang nakangisi sa akin na tila ba ng aasar. I really hate him.

"Tama si Mr. Andrada, Miss Villamendrez hindi naman kaso kung parehas kayong magiging top dahil parehas nyo namang napatunayan na karapatdapat kayo na mapasali sa ranking na yon." Pagpapaliwanag ni ma'am.

"Pero kung gusto mo naman magconduct tayo ng test para maayos na ang gulong ito at ng malaman nating kung sino talaga ang dapat mag first sa inyong dalawa..."

Napaisip ako sa offer ni Ma'am... kung tanggapin ko yung exam at naging mas mataas ang score nung lalaking yun malamang sa malamang na magiging top 2 ako at mamomove yung ranking at baka magalit sila sa akin... kahit naman na mataas ang pride ko kaya ko naman itong babaan para wala akong natatapakan na tao. Kaya kahit masakit sa pride ko tinggap ko na lang ang naging resulta ng ranking...

"No ma'am,I will accept the results..."

"Good, Very Good Miss Villamendrez. You made the right choice... so dito na nagtatapos ang class natin this 20**-20** see you this Saturday for the awarding of medals and congrats sa inyong lahat"sabi nya sabay labas sa pinto.

Agad na lumapit sa akin si Nexia.
"Wow... our Xoei girl made the right choice" sabi nya sabay  hawak sa noo ko.

"Ano bang ginagawa mo? Itigil mo nga yan..."suway ko sa kanya habang inaalis ang kamay nya.

"Well girl chine-check ko lang yung temperature baka kasi nilalagnat ka lang...hahahahaha just kidding" biro nya sakin. Well kahit naman ganyan yan kakulit di ko kayang magalit sa babaitang yan.

"Tama na nga yan tara nang maglunch." yaya ko sa kanya sabay hatak na sa kamay nya. Aalis na sana kami nang may tumawag sa akin.

"Hey Xoei..."napatingin ako sa tumawag sa akin at napagtanto na si Andrada pala yon. Napaismid na lang ako at hindi nalang siya pinansin at ipinagpatuloy ko na ang paglakad ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Natapos na ang buong araw nang wala kaming ginagawa.

Kung nagtataka kayo kung nasan na ako sa mga oras na ito. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at handa nang matulog.

*toktok

"Pasok po..."

"Baby? Tulog ka na ba?" Si mama pala.

"Hindi pa naman po bakit po?"

"Well baby, natanggap ko na ang email ng school nyo about you being the top 1 on your school and I just want to congratulate you for that."sabi nya habang nakayakap sa akin...

"Thank you mama..."

"Itatanong ko lang kung anong gusto mong gift sa recognition mo?"

"Anything mama...or we can just go anywhere dahil malapit narin naman ang vacation."

"Where do you want to go ba?"

"Anywhere mom...you decide.."

"Okay I will find places inside and outside the country. Goodnight baby congrats ulit" sabi ni mama sabay halik sa noo ko at umalis na sa kwarto ko.

"Thank you mama... for everything. Goodnight po."sabay higa hanggang sa bumigat na ang talukap ng aking mga mata.

It All Started With A Prank Call (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon