Xoei's POV
*tiktok tiktok~KRING KRING
Hay umaga nanaman. Hindi naman sa hate ko ang umaga pero isa lang ang pahiwatig nito... at iyon ay makikita ko nanaman ang lalaking pinakaaayawan ko at kilala nyo na kung sino yun...
Bago ako bumaba ay nag-ayos muna ako ng aking sarili at dumiretso na sa hapagkainan. At nadatnan ko doon si mama na nakabihis na rin para umattend ng ceremony sa school.
"Good morning mama..."bati ko sa kanya sabay halik sa magkabilang pisngi nito.
"Good morning din anak. Sumabay ka na sa kin para maaga tayong makarating sa school mo."
"Okay po ma."sabi ko sabay upo narin sa mesa.
Pagkatapos kong kumain ay saktong tapos narin kumain si mama.
"So ano na anak? Ready ka na ba?"tanong sakin ni mama.
"Aba'y ready na po mama... hihihi"
"Kung ganon ay tara na..." pumunta na kami sa sasakyan at pinagbuksan kami ni Tatay Fred ng pinto atsaka sumakay na rin para maihatid kami sa aming pupuntahan.
Pagkarating sa parking ng school makikita na ang mga pamilya ng mga estudyante na magsisipagtapos ng may karangalan.
Nakita ko rin ang pamilya ni Nexia na pababa na ng kanilang sasakyan.
"XOEI~" tawag nya sakin habang papalapit sa amin.
"Hello po tita"bati nya kay mama.
"Hello din sa inyo. Janec ,Xia kamusta na kayo?" Bati ni mama kay na tito at tita.
"Eto maganda parin ang iyong kumare at babaero parin ang iyong kumpare...hahahahaha" sabi ni tita na may halong pagbibiro.
"Anong babaero ka dyan?! Wag mo nga akong siraan kay kumare. Kumare wag kang maniniwala sa sinasabi ni misis nagloloko lang yan." Pagtanggi naman ni tito Janec sa paratang ni tita Xia sa kanya.
Napatawa na lang si mama sa kakulitan ng mag-asawa. Matagal na kasing magkakakilala sina mama at tita Xia. Magkababata kasi sila. Kwento sa akin ni mama na mayroon pa daw silang boy bestfriend noon pero hindi na nila nakita pagkatapos nitong lumipat ng lugar. Well, share ko lang naman.
"Naku, tama na yang bangayan nyong dalawa dyan nakakahiya na sa ibang families dito o. Tara na bago pa tayo malate sa seremonyas araw panaman ng mga anak natin..." pag-awat ni mama kay na tito at tita.
"Okay po mama... hahahahaha joke lang" sagot ni tita. I really like them talaga. Siguro sa kanila din namana ni Nexia ang pagkakulit nya napasobra lang ata.
Pumasok na kami sa venue ng event at di rin nagtagal ay nagsimula na ito.
FAST FORWARD
Natapos narin sa wakas ang event.
"So Xy, saan nyo balak magcelebrate ngayon? Kung wala pa kayong pupuntahan sumabay na kayo sa amin... if gusto nyo lang naman?" Tanong saamin ni tita.
"Saan nyo ba balak magpunta Xi?" Tanong din ni mama sa kanya.
(a/n: you can read Xy as Sa-i and Xi as Si)
"Well ,we're planning to celebrate at HuangKo's..."
"Oh that fancy restaurant? Okay we're in... atleast hindi lang kami ni Xoei ang magcecelebrate."pagsang-ayon ni mama sa alok nina tita.
"That's good to hear. Magkita nalang tayo sa HuangKo's exactly 7:00pm. So it's already 3:45 in the afternoon, we have all the time to prepare for this celebration... See you both and don't be late..." pagpapaalala samin ni tita.
BINABASA MO ANG
It All Started With A Prank Call (Slow Update)
Teen FictionXoei Maczine Villamendrez... maganda, matalino, kalog at higit sa lahat MANHATER. . . . . . Magugulo ang maligaya niyang mundo sa pagdating nang lalaking kinaaayawan niya and worst BIKTIMA nang ginawa niya...