" MEM'RIES OF 90's "
"Takbo anak! " hingal na sabi ng aking ama . Na nasa likuran ko habang palakad takbong tinatahak ang madilim at lib lib na lugar sa aming probinsya.
Halos mangapa na kami sa kawalan.Habang tumatakbo ay humihina ang aking pulso sa lubos na pag aalala sa aking amang sugatan sa bandang kamay.
Alam kong may balang nakabaon dito.
"Huwag kang hihinto hanggat hindi ko sinasabi ,at huwag na huwag kang lilingon kahit anong mangyari.Naiintindihan mo ba!" Gusto ko nang maiyak pero kailangan kong sundin ang aking ama.
"Papa----"
Hindi ako lumingon pero parang ramdam kong wala nang nakasunod saakin . Tumakbo parin ako pababa sa paanan nang tulay na nadaanan lang namin ngayon.
"P-papa--"
Hininaan ko lang ang boses sa pag tawag sa kanya. Pero wala parin akong nakuhang sagot mula saaking likuran.Mas lalo lang nadagdagan ang pag kabog ng aking dibdib.
Napatingin ako sa bandang itaas s gilid nang mismong tulay sa isang taong nakakaawang kumakapit para hindi mahulog . Halos mapasigaw ako sa takot . Dahil si papa nga 'yon .
Babalik sana ako sa taas ng makita ko ang isang taong dumungaw sa kanya . Hinawakan ang kamay ni papa . Humupa ng konti ang takot na aking naramdaman ng biglang...
Buuuugggghhhhhzzz *
"Pa--*******" biglang may tumakip sa bunganga ko . Panay ang aking pumiglas at pag sigaw na may halong pag iyak . Dahil akala ang akala koy ligtas na ang aking ama pero tinulak siya nang taong humawak sa kanya kanina .
Nanghihina na ang aking katawan sa pag-iyak at sa pag kabigla sa lahat nang nangyayari sa aking mabuting ama.
Biglang dumilim ang aking pananaw.
--------------------
"Papa...." habang palihim ako sa pag hagulhol sa harapan ng aking amang nakalagay sa isang simpleng kabaong na inutang pa namin mismo sa isang punenarya sa aming probinsya.Hinihimas ko ang salamin nito na para bang nahihimas ko na rin ang kanyang buong mukha.Para bang mahimbing lang siyang natutulog. Nakatitig lang ako sa kanya buong mag damag , agad akong umuwi pag ka malay ko sa loob ng hospital.
Nasasaktan akong makitang nakaratay na nga ang aking ama at hindi lamang panaginip ang nangyari kagabi lamang.Nanginginig pa rin ang aking laman sa tuwing naa alala ko ang mga pangyayari na hindi ko alam kung bakit nangyari.
"P-pano na kami ng mga kapatid ko?"
"P-pano ko sila bubuhayin?"
Pangalawa ako sa aming mag kakapatid .Pauwi palang ang aming panganay na babae na si ELLAINE MORTELL, dalawampung taong gulang galing ng luzon. Dahil doon ito namalagi at nag trabaho ng mahigit limang taon.
Katorse naman ang kapatid kong lalaki na si STEVE MORTELL na kasunod sakin at tatlong taon palang ang aming bunsong babae na si JULIAN MORTELL.
Si Julian ay nasa kabilang bahay, sa bahay ng aking tita dahil ito raw ay nabigla at natatakot pumasok nang bahay.Palagi itong umiiyak at nag sisisigaw na para bang binabangungot lage kahit gising.Kaya sila nalang muna ang nag alaga.
Pinahid ko ang aking luha at pumasok sa loob ng silid upang tingnan ang aking ina na nakaupo lang sa gilid ng kama.Hindi na rin namin siya nakakusap ng maayos at hindi rin ito umiiyak.Bilang pangalawa,kailangan kong maging matatag sa paningin nila kahit ako mismo ay hinang hina na.
BINABASA MO ANG
MEM'RIES OF 90's
General Fiction(On-Going) Sa edad na 13 ay naulila na si CASZIAFIA MORTELL sa kanyang ama. At ang masakit pa neto ay nasaksihan niya kung paano pinatay ang kanyang ama. Habang nakaratay ang kanyang ama ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay ,at wala nang mata...