FOURTEEN : XIV

8 0 0
                                    

MEM'RIES OF 90'S

Steve Pov

"Dapa ! The 3 of you dapa I said ", galit na pasigaw na saad ni boss Gord sa tatlong kasamahan ko .

Nasa hide out kami ngayon ng GORD MEN fraternity o mas kilala bilang G.M.
Dito mismo sa UNDERGROUND ng isang kilalang Bank na pag aari ng ama ni Boss Gord . He is one of the richest son dito sa City .

Di mo talaga basta basta makikita o mahahanap ang hide out na ito .

By the way , kung ba't nandito ako ?

Yes , I am a member of this Fraternity .

Kahit ayaw ko naman talaga sanang pumasok sa mga ganitong grupo grupo ,in the end wala rin naman akong nagawa .

It's been a year , and it's been a year also na nililihim ko 'to kay ate Caszi .

First of all , I don't want her to worry about me ,you know her kapag nag hysterical na siya .And I don't want her to be hurt kapag nalaman niya talaga 'to .

Yeah , I know na I was a bad brother but believe me or not . Wala na talaga akong choice dahil wala na din naman akong kawala . Nag iingat nalang ako kapag may nagaganap na Riot .

But we're not that type of group na puro basag ulo ang ginagawa para lang mapatunayan na malakas kami o famous kami pag dating sa bakbakan . We have a unique Rules and responsibilities .

"What did I told you ? Have you forgotten our rules ?" ,muling sigaw ni boss Gord sa nakadapang si Glenn,Macky,and Cyrus .

Pano di magagalit si boss e , nakipag away sila sa ibang grupo ng paaralan na wala namang magandang dahilan .Pati panyo ng grupo ginamit which is ayaw na ayaw ni boss kapag nakikipag basag ulo lang ang trip .

"But boss , pwede bang makinig ka na muna saamin ? " ,pakiusap ni Glenn na hingal na hingal na kaka push up. Punishment nila sa pag labag ng rules .

"What's the rule #1?Say it louder the 3 of you !", hayyy nako . Sabi ko na nga kasi kanina e . Ayaw kasi nilang mag paawat .

"Never makipag basag ulo !", sabay sabay nilang sabi habang patuloy pa rin sa pag pu push up .

"Pangalawa !", habang palakad paikot si boss sa kanila. Ako naman ay nasa harapan lang nila kasama ang iba pang ka grupo.

--------------

"Boss ! May tawag po mula sa Japan", napatigil sa pag lalakad si boss ng sinabi 'yon ng kanyang kanang kamay .

"Pasalamat kayo sa tumawag dahil kong hindi -----! Ilagay palagi ang rules sa ulo huwag sa tiyan ! Understood ?" At suminyas na sa kanila si boss na tumayo na .

Agad silang umupo sa sahig ng papalayo na si boss .

"Sabi na e ,so ano kayo ngayon ? " pang babadtrip ko lalo sa kanila.

"Tch. Umuwi na nga tayo ! Nagugutom nako ",sabay akbay sakin ni Glenn ng tumayo siya na may kasaling sakal .
Napailing nalang ako .

Kung naguguluhan kayo kung pano kami nakapasok sa frat ay ganito yun.

**FLASHBACKS**

Year ago

After our Graduation Ceremony ay pumunta kami ng City just to have fun . Nag kayayaan lang kami nina Glenn .

Habang nag lalakad kami sa Oval ground . May napansin kaming nag sisitakbuhang mga grupo ng lalaki na sa tingin namin e studyante din. May nanghahabol sa kanila . Hanggang sa tumakbo sila papunta sa may skinita.

MEM'RIES OF 90'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon