1

145 2 1
                                    

All characters, names, places and any similarities or actual circumstances are unintentional. pure from the imagination of the author and does not reflect the real life.

Credits to the owner of picture thank you ^_^




MILLER BLAINE POV

"Hoy Blaine bilisan mong magluto, maglalaba ka pa..kahit kailan talaga' napaka bagal mong kumilos"

Napabuntong hininga na lang ako habang nagluluto. Ke aga-aga nagbubunga nanaman si Auntie, sa lakas ng boses nyang dinaig pa ang nakalunok ng mega phone ay pihadong magigising ang kapit-bahay namin.

Inihain ko na sa lamesa ang niluto ko. Nakaupo na si Auntie at nakataas pa ang kilay habang nakasunod sa bawat galaw ko. Saktong pagkatapos kong ihain ang mga pinaluto nya ay syang pagpasok naman ng mga anak nyang maldita.

Tatalikod na sana ako para lumabas ng pigilan ako ni Anabelle.

"At saan ka pupunta?"

Humarap ako sa kanya at nakataas na ang kilay nya sa akin. "Maglalaba na" sagot ko

"Nasaan ang kape namin? Bago ka maglaba, timplahan mo muna kami ng kape" taas kilay parin na sabi ni Anabelle sa akin

Muli akong napabuntong hininga at ginawa na lang ang inuutos nya. Tatlong tasa ng kape ang ginawa ko at agad kong nilapag sa harap nila. Hindi ako umalis sa kusina at gumilid na lang sa lababo. Nakatungo lang ako at kinukutkot ang daliri ko. Napaangat ang mukha ko ng bulyawan ako ni Betina.

"UMALIS KA NGA DITO' NAKAKAWALANG GANANG KUMAIN" malakas na sigaw nya

Walang salitang lumabas ako. Ganon naman sila sa akin, sanay na ako. Hindi na bago sa akin ang pakikitungo nila. Para sa kanila, wala akong silbi at kwenta. Kahit na kung tutuusin ay may silbi naman talaga ako sa kanila, ako ang taga-luto' taga-laba' taga-linis ng bahay. Akin lahat ang trabaho sa bahay na'to. Kahit gusto kong magreklamo wala naman akong magagawa, sasabihin lang nila sa akin na, kabayaran ko ito sa libreng pagtira at pagkupkup nila sa akin.

Nakakaloko lang kasi yung salitang libre. Kasi sa pagkakaalam ko, kapag libre. Walang bayad, walang hinihinging kapalit. Pero hindi eh, baligtad ata ang utak nila sa pagkakaintindi sa salitang libre. Hindi naman kasi dapat ganito ang buhay ko, no choice lang ako kasi wala naman akong mapupuntahang iba bukod kay Auntie. Kailangan ko lang talaga na pagtiisan ang pang-aalila nila sa akin, kahit napapagod na ako kailangan ko parin kumilos. Wala akong karapatan na magpahinga.

May magulang naman ako, kompleto pa nga sila eh. Buhay na buhay. Kaso.. may ibang pamilya na sila. Hindi legal na mag-asawa ang Nanay at Tatay ko. Pareho silang may kanya-kanyang pamilya, at dahil nga nauso ang salitang kabet, nakiuso naman sila. Nagkaroon sila ng lihim na relasyon at ang bunga ay ako. Pagkatapos akong ipanganak ng Nanay ko, ay iniwan nya ako kay Auntie. Hindi daw pwede malaman ng asawa nya na nagkaanak siya sa iba kasi baka iwanan sya.

Kinupkop ako ni Auntie, sya na ang nagpalaki sa akin kapalit nang buwanang sustento nina Nanay at Tatay na sila naman ang gumagastos imbes na ako.

Napabuga ako ng malalim na buntong hininga ng makita ang lalabhan ko. Dalawang malaking planggana at tatlong tumbler ng maruming damit. Napapakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa dami ng lalabhan ko. Hindi pa nag-iinit ang kamay ko sa pagkukusot ng damit nang matan-awan ko si Auntie na naglalakad palapit sa akin

"Hugasan mo ang mga plato, linisin mo na din ang bahay' napakakalat at nakakadiri" sabi ni Auntie na nagtotoothpick pa

"Mamaya po Auntie pagkatapos ko pong maglaba" mahinang sagot ko

CONTRACT WITH A HEARTLESS JERKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon