3.

40 1 2
                                    

MILLER BLAINE

Kinakabahan ako habang mahigpit kong hawak ang bote ng alak. Pinapakiramdaman ko din ang kilos ng pinsan ni Cindy. Kinakain na ng takot ang buong sistema ko. Hindi ko makita ng malinaw ang kilos ng pinsan ni Cindy tanging anino lang nya ang sinusundan ko, nagmumula sa bubog na salaming bintana lamang ang syang ilaw na meron kami ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang trip ng pinsan ni Cindy kung bakit nya pinatay ang ilaw. Kung may gawin man sya sa aking masama natitiyak kong wala akong kalaban-laban. Napakislot ako ng dumaan sya sa gilid ko, hinabol ko ng tingin ang anino nya. Sa CR lang pala sya pupunta, binuhay lang pala nya ang ilaw, dumaan sya ulit sa gilid ko at umikot pabalik sa kinauupuan nya.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang balik na sya ulit sa pwesto nya at uminom muli. Hindi ko parin binibitiwan ang bote ng alak, sa bote na lang ako uminom. Baka sakaling bawasan ang tensyong namamagitan sa amin.

Nasan kana ba Cindy, bakit ang tagal nyo.

"Relax lang Miller, wala akong gagawing masama sayo"

Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng pinsan ni Cindy. Nang tingnan ko sya seryoso lang ang mukha nya pero diko parin makita ang mga mata nya' naka shades parin kasi eh.

Lumunok muna ako bago ako nagtanong "Kung ganon eh bakit mo pinatay ang ilaw?"

Kitang kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi nya, bahagya lang syang humarap sa kin habang ang basong hawak nya ay pinapaikot-ikot lang nya.

"Hindi porke't pinatay ko ang ilaw, may gagawin na ako sayong masama. Ayoko lang makakakita ng babaeng umiiyak"

Ah yun pala ang dahilan hehe!

Grabe ang pagka assuming ko. Akala ko may masama syang gagawin sa akin, yun pala ayaw lang nya makakita ng babaeng naiyak. Kung sabagay sabi nga ni Cindy takot sa babae 'tong pinsan nya, baka nga bakla to hehe.

Pinakatitigan ko na lang ang mukha nya' mapanga sya' matangos din ang ilong, manipis din ang labi' at yung adams apple nya lalaking lalaki sa paningin ko sa t'wing lumulunok sya. Kaya kung tama nga si Cindy na bakla ang pinsan nya, dapat syang iyakan ng mga kababaihan kasi sayang sya. Napakalaking sayang dahil masasali sya sa pederasyon ng mga binabae haist.!

"Wag mo'kong titigan" mabilis kong binawi ang mga mata ko sa kanya

Basta ko na lang tinungga ang alak sa bote sa pagkapahiya. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya, na dapat sana eh sulyap lang. Mabilis akong lumingon sa kanya ng may bigla akong maalala.

"Paano mo nga pala nalaman pangalan ko?"

Gumalaw ang mukha nya paharap sa akin "Kanina pa kayo nagdadaldalan, at ilang beses din nilang binanggit ang pangalan mo. Hindi naman ako bingi at bobo para hindi maalala ang pangalan mo"

Sabi ko nga psh! Sungit!

Ngiwing ngiti lang ang sinukli ko sa kanya. Hindi na lang ako umimik pa dahil base sa pananalita nya wala silang pinagkaiba ni Cindy. Pareho silang may matalas na dila. Mag pinsan nga sila.

CONTRACT WITH A HEARTLESS JERKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon