MILLER BLAINE POV
Pinapasok muna ako ng mama ni Cindy sa bahay nila bago daw ako umuwi samen. Sa kwarto ni Cindy kami dumeretso. Pabagsak syang nahiga sa kama nya, kalahati lang ng katawan nya ang nasa ko kama at ang mga paa nya ay nasa sahig. Umupo lang ako sa gilid nya.
"Nakakapagod" aniya at nakadapang humarap sa akin' ipinatong nya ang baba nya sa ibabaw ng palad at mariing tumingin saken "Anong nangyari sayo at biglaan naman yata ang desisyon mong makauwi? Ha? Ha?"
Nag-iwas lang ako ng tingin at marahang napabuntong hininga "Nahihiya na kasi ako sa tita mo" pagsisinungaling ko
Nanlaki ang butas ng ilong nya at pinalobo din nya ang bibig nya bago marahas na ibinuga ang inipong hangin sa bibig bago sya nag indian sit sa harap ko
"Yun ba talaga ang dahilan?" naniningkit ang matang tanong nya,bahagya akong tumango at tumitig sa mga mata nya para hindi sya makahalata sa tunay na dahilan "Pero bakit parang iba ang kutob ko hmm?. Magsabi ka nga saken may nangyari ba sayo na hindi ko alam?"
Bigla akong kinabahan at pasimpleng bumuntong hininga. Sa nakikita ko sa mukha nya, iintrigahin nya ako. Wala nga naman kasi akong sinabing matinong dahilan sa kanya kung bakit ako nagmamadaling makauwi. Nasa byahe pa lang kame panay na ang tanong nya saken pero paulit ulit lang din naman ang sagot ko.
"Ano namang mangyayari? Tsaka kailangan ba may dahilan kung bakit gusto ko nang umuwi?"
Mabilis syang tumango "Oo naman no!! Sasapakin kita kung sasabihin mong namimiss mo na ang Auntie mong kapatid yata ni satanas"
Napatawa ako sa sinabi ni Cindy, malaki talaga ang galit nya kina Auntie. Nakangiti ko paring tiningnan si Cindy habang hinahalungkat ang paper bag na binigay saken ng tita nya. Kinuha nya ang isang paper bag at nilabas ang hindi kalakihang kahon at binuksan.
Napalunok ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa hawak ni Cindy. Tumingin sya saken at taas baba ang kilay habang winawagayway sa ere ang Cellphone.
"Halika dali" hinila ni Cindy ang damit ko palapit sa kanya "Gagawan kita facebook whehehe" ngiting ngiting sabi nya at pinakita saken ang screen ng phone "Ganito to ha, open mo ang wifi kung may wifi ka--wala nga palang wifi sa bahay ni Satanas" nakairap sa hangin na sabi nya "Etong data na lang open mo, wait taray naka line ah hihihi bait talaga ni Tita"
"Anong line?" Inosenteng tanong ko.
Ngumuso si Cindy at binatukan ako "Wag kana nga magtanong basta line, makakagamit ka ng data at makakapag text ka kahit hindi ka magpaload ganon. Yun na yun. Basta" tumango na lang ako kahit diko maintindihan ang sinasabi nya "So ganito nga, open mo data then punta ka sa playstore kung may gusto kong idownload since andito tayo sa bahay iconnect ko phone mo sa wifi namin hehe" tumango na lang ako at umalis sa ibabaw ng kama.
Pinulot ko isa-isa ang mga damit na nagkalat at nilagay sa tumbler. Napapailing akong tumingin kay Cindy na nakadapa sa kama at panay ang hagikhik na nakatingin sa phone. Diko na lang sya pinansin at sinimulan ko ng linisin ang kwarto nyang magulo
BINABASA MO ANG
CONTRACT WITH A HEARTLESS JERK
General FictionAko si Miller Blaine Rivera, lahat ng kamalasan ay nasa akin na' lagi akong minamalas sa lahat ng bagay.malas din ako pagdating sa pamilya, salot' malas, purwisyo at walang daw akong silbi, wala akong sariling bahay, walang pera, mahirap lang, mayam...