SAINT PAUL UNIVERSITY
8:01 AM"I never thought I would fall for you, Tristan. Will you be my boyfriend? Please!!!!!"
- Ninja Girl"Uy, ano yan pare ha! Isa na namang proposal from your secret admirer?" Natatawang inakbayan ni Clive ang kaibigan. "Grabe naman ang pangliligaw ng babaeng yan, todo effort talaga." Nakatingin ito sa isang box ng white chocolate na may kasamang note. Nasa loob ito ng locker ng binata.
"Sino kaya si Ninja Girl?"
Sinara ni Tristan ang locker nito. Binalewala nito ang nakita sa loob.
"Ayoko talaga sa lahat ang mga makukulit na babae." Umiling ito.
"Ayos nga yun pare e. Ayaw mo non, magkakagirlfriend ka na ng instant kapag naisipan mong sagutin si Ninja girl." Natatawa pa rin si Clive. "Wala kang kahirap-hirap."
"Sino naman ang magkakagusto sa ganong babae? Daig pa ang stalker." Nagdiretso ito sa paglalakad. "
"Alam mo pare, ganyan na talaga ang panahon ngayon. Minsan, babae na ang nagpapakita ng motibo sa mga lalake. Wala namang masama, di ba? Karapatan naman nilang ipakita ang kanilang nararamdaman." Nakangisi ito.
"Pwes, sa akin masama yon. At hindi ako kailanman magkakagusto sa ganong klaseng babae. Wala akong panahon na makipaglokohan sa kanya."
"Kahit sobrang ganda pa niya, pare?" Pangungulit ni Clive. "Paano kung super sexy niya ha?"
"Kahit kasingganda pa niya si Anne Curtis." Wala sa loob na sagot ni Tristan.
"Wag naman! Super crush ko kaya si Anne Curtis." Napakamot ito sa ulo. "Ang hot kaya niya."
"Mas gugustuhin ko pang magkagirlfriend kahit hindi kagandahan basta mahal ko at mahal ako." Malapit na sila sa silid ng sunod nilang klase.
"Sabi mo lang yan. Imposibleng mangyari yon." Pagtutol ng matalik nitong kaibigan. "Ang dami kayang nagkakagusto sayong chicks dito sa school. Kagaganda pa."
Hindi ito kumibo.
"Isa pa, balita na sa buong campus na may relasyon na kayo ni Ivy." Kaklase nila ang tinutukoy nito. Half British, half Filipina ito. "Ang akala nga ng iba kayo na eh."
"Kaibigan ko lang siya." Nakarating na sila sa may pinto ng silid. "Isa pa, ayoko munang magkararoon ng anumang kaugnayan sa mga babae ngayon. Gusto ko munang magfocus sa pag-aaral ko."
"Dahil pa rin yan ba sa break-up niyo ni Katrina?" Tanong nito.
Si Katrina ang long time girlfriend ni Tristan since first year college. Naghiwalay sila ng magdesisyon ang babae na lumipat ng school noong nakaraang taon dahil narin sa kagustuhan ng kuya nito na siyang nagpapaaral dito. Nagkalabuan ang dalawa dahil nawalan na ng panahon ang babae para kay Tristan. They broke up.
"I still love her." Sagot nito.
"Kalimutan mo na siya, pare. Madami pa namang babe diyan, di ba? Isa pa, imposible ng magkabalikan kayong dalawa dahil ang balita ko may boyfriend na si Katrina at malapit na silang magkaanak."
Nagdiretso si Tristan sa upuan nito. Kasunod si Clive.
"Even if I choose to forget her, I just can't."
"Wala ka na namang magagawa eh. Ang mabuti pa, ibaling mo na lang ang atensyon mo sa ibang tao." Naupo ito sa upuang katabi ng kaibigan. "Gusto mo hulihin natin kung sino si Ninja girl?" Nakangiti ito na tila may masamang balak.
"Pwede akong gumawa ng bitag?"
"Para ano pa? Wala naman akong pakialam kung sino naman siya."
"For fun lang, pare. Gusto ko lang talaga malaman kung sino yang misteryong babae na halos araw-araw kung magparamdam sayo."
"Ikaw na lang. Hindi ako interesadong malaman kung sino siya." Nagbuklat ito ng libro.
"Ah basta, akong bahala. Lagot talaga sa akin ang ninjang 'yon." Clive smiled.
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BOARDING HOUSE
8:15 AM
"Uy Ayenne, gising na! Ano ba! Malalate ka na sa klase natin." Inalog ni Quennie ang kaibigan. Nakahiga ito sa kama na malapit sa tinutulugan niya.
"Tanghali na kaya. Bumangon ka na nga diyan!"
Umungol lang ang dalaga. Tila tinatamad pa ito.
"Ahmmm...."
"Hay naku, paano ba naman, gabing-gabi na kasing matulog kaya tuloy palaging puyat." Komento ni Laurice na nagtutuyo ng basang buhok. Panay kuskos nito ng tuwalya sa ulo.
"Ala una na kaya yan natulog kagabi."
"Puyat? Bakit naman?" Nagtatakang nilingon nito ang kaibigan.
"Ang layo pa kaya ng midterm exams natin ah."
"Ewan ko ba diyan kay Ayenne. Lagi nalang ang daming ginagawa. Kagabi narinig ko may kausap sa cellphone ng hating-gabi." Kinuha ni Laurice ang lotion.
"Nakakapagtaka na nga eh."
Muling nilapitan ni Quennie ang nakahiga pa ring kaibigan.
"Ano ba, di ka ba papasok ha? Iiwanan ka talaga namin dito."
"Inaantok pa ako eh." Sa wakas, sumagot din ito. "Pwedeng five minutes pa. Please?."
"Anong five minutes ka diyan! Hindi pwede noh! Baka gusto mong mapagalitan ka ni Sir. Geriosa kapag nalate ka sa klase niya." Panenermon nito.
"Bakit kasi nagpupuyat ka pa? Ano bang ginagawa mong kalokohan, ha!"
"Wala." Simpleng sagot nito. Inaantok pa ang tono ng boses nito.
"Umamin ka nga. May boyfriend ka na noh! May katagpo ka siguro tuwing gabi." Biro ni Laurice.
"Ano, virgin ka pa ba?"
0__0 Hahaha!
Hinagisan ni Quennie ng unan ang kaibigan. Nakaiwas si Laurice. Nakangisi ito.
"Ang laswa mo! Tumigil ka nga diyan!"
"Malay mo naman, diba?" Tumawa ito. "Gwapo ba siya ha, Ayenne? Matangkad ba? Maputi? Moreno?"
Naupo si Ayenne sa kama. Tinatamad talaga ito. Ang gulo ng buhok nito. Daig pa ang buhok ng mangkukulam. Haha. 0_0
"Totoo ba yun, ha? May boyfriend ka na ba talaga?" Hindi makapaniwala si Quennie.
"Bakit di mo man lang sinasabi sa amin yan, ha?" Nakapamewang ito. "Sino yung lalake, aber?"
Bumangon si Ayenne. Tila napilitan na ito.
Kinuha nito ang tuwalyang nakasabit sa kama nito. Nagdiretso ito sa cr na nasa loob ng kwarto nila.
"Wala! " Sagot nito. Pumasok na ito at naglock ng pinto ng cr.
Sinundan siya ng tingin ng dalawa niyang kaibigan.
Magtatatlong taon na silang magkakasama sa boarding house. Sa iisang school din naman kasi sila napasok, sa St. Paul's University.
Si Laurice ay kumukuha ng kursong Banking and Finance.
Samantalang si Quennie at Ayenne naman ay magkatulad ang course, Business Management.
"Sa tingin mo, may boyfriend na talaga siya?" Nagtatakang tanong ni Quennie dito.
"Sino naman kaya?"
Nagkibit-balikat si Laurice.
"Wish ko lang!"
0_0
BINABASA MO ANG
Oh My Ninja Girl
Short StoryHindi siya ang tipo kong babae. Paano ba naman ang kulit niya, ang kulit-kulit talaga niya. Papansin siya lagi sa akin. Trouble-maker pa! Nakakairita na siya. Nakakainis dahil parang ang clumsy niya. Naasar ako pag nakikita siya! Pero bakit ganon...