Lahat ng tao may tinatagong sikreto. Mayroong nagpapanggap na mabait at 'di makabasag pinggan, mayroon namang nagpapanggap na masama. Ang tanong, saan nga ba sa dalawang ito nabibilang si Silver Dimayuga?
Kagaya na lang ng isang baril, maiihalintulad dito si Silver Dimayuga. Magandang pagmasdan ang iba't ibang klase nito pero isa lamang ang tatatak sa isipan mo at 'yon ay ang panganib na dala nito.
Mamahalin mo pa kaya ang isang Silver Dimayuga kung may nakakatakot itong sikreto? Sikretong hindi mo nanaisin pang malaman o matuklasan.
Paano na lang kung muling makita ni Silver ang babaeng labis na nagdulot sa kaniya ng sakit at pighati?
Lalo na kung ang turing niya rito ay parang isang rosas na kailangang ingatan. Ngunit sa isang iglap ang rosas na iniingatan niya ay siya rin pa lang mananakit at unti-unting titinik sa kaniya.
______________________________________________________
A/N: Sa mga gustong magpa-dedicate sa story ni Silver, kindly comment here.
BINABASA MO ANG
One Hundred Years #SA2018
General FictionHanggang kailan nga ba ang buhay ng tao? Minsan ba sumagi sa isip mo na hanggang kailan nga ba ako mabubuhay? Ngunit kahit isa sa atin ay walang kakayahan para sabihin kung, hanggang saan nga lang ba ang buhay ng tao? Siya si Aurora Asuncion ang gan...