A/N: Kumusta ang first day of school ninyo guys? May wattpader ba kayong kaklase?
______________________________________________________________________________________________
Kabanata IV
Tinig Ng Isang Anghel
Isang malakas na sigaw ang bumalot sa opisina ni Xenon dahilan upang mamutla sa takot ang kaniyang mga empleyado. Habang tuloy-tuloy naman ang pagbagsak ng luha ng kaniyang sekretarya.
"What the hell? I told you to make a report to our biggest client."
"Pasensiya na po hindi na mauulit ang kapalpakan ko," lumuluhang saad ng sekretarya ni Xenon habang nakayuko naman ang iba niyang empleyado.
Dahil sa sinabi ng sekretarya niya mas lalong nag-init ang kaniyang ulo sa narinig. Tila ba isang simpleng bagay lamang ang nagawa nito, kulang na lang ay mag-usok ang ilong niya sa tindi ng galit. Alam niyang gagahulin sila sa oras sapagkat labing-limang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting nila.
"Talagang hindi na mauulit dahil tanggal ka na sa pagiging sekretarya mo."
Sa sinabi niyang iyon mas lalong napaiyak ang kaniyang sekretarya at napasalampak sa sahig. Habang humahangos namang pumasok ang isa niyang empleyado.
"S-Sir. Nalaman po namin na may nagnanakaw ng pera sa kompanya," tila natatakot na saad ng isa niyang empleyado.
Dahil sa sunod-sunod na problema hindi niya mapigilan na magwala sa sobrang galit. Ang mga papeles na nakapatong sa kaniyang lamesa ay kaagad niyang pinagtatapon. Habang takot na takot ang mga empleyado niyang nakayuko habang sunod-sunod ang pagbuhos ng luha ng mga ito.
"Napaka-inutil ninyong lahat ang simple-simple lang ng trabaho ninyo hindi pa ninyo magawa. All of you, tanggal na kayo sa trabaho ninyo! Ayokong makita ang pagmumukha ninyo simula ngayong araw!"
Mas lalong nag-iyakan ang kaniyang mga empleyado habang ang iba ay nagmamakaawa sa kaniya. Ngunit tila wala siyang naririnig sa mga ito sapagkat sarado na ang kaniyang utak para intindihin pa ang mga ito.
"P-Parang awa ninyo na po, huwag ninyo po kaming tanggalin. Kailangang-kailangan lamang po namin ang pera para sa aming pamilya," muling pagmamakaawa ng kaniyang sekretarya.
"Manahimik ka kung ayaw mong kaladkarin kita ngayon mismo!"
Hanggang sa lumuhod ang sekretarya niya habang nakahawak sa binti niya at kaagad na nagmamakaawa sa kaniya. Akmang tatanggalin na niya ang kamay na nakahawak sa binti niya nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Iniluwa roon ay ang kaniyang kaibigang si Silver na gulat na gulat sa nabungaran nito. Kasunod ang babaeng nagpapagulo ng kaniyang isipan.
"Hala ka! Xenon, anong nangyari sa kamay mo? Bakit nagdurugo 'yan tapos bakit sila lumuluha?"
Sa tindi ng galit niya hindi na pala niya namamalayan na dumudugo na ang kamay niya dulot ng nabasag na baso. Bagamat may galit pa rin siyang nararamdaman pinili niyang manahimik na lamang, sa halip na sagutin pa ang katanungan ng dalaga.
"Tsk! Don't tell me dude nagwala ka na naman o baka naman sinesante mo na naman sila."
"Shut up Silver! Dapat lang 'yan sa kanila ang simple ng pinagagawa ko hindi pa nila magawa ng maayos."
Halos walang nagsasalita sa kaniyang mga empleyado at tanging hikbi lamang ng mga ito ang siyang maririnig sa loob ng opisina ni Xenon. Hanggang sa nagulat na lamang sila nang biglang magsalita si Aurora na siyang nakapukaw sa atensyon nilang lahat.
BINABASA MO ANG
One Hundred Years #SA2018
Ficción GeneralHanggang kailan nga ba ang buhay ng tao? Minsan ba sumagi sa isip mo na hanggang kailan nga ba ako mabubuhay? Ngunit kahit isa sa atin ay walang kakayahan para sabihin kung, hanggang saan nga lang ba ang buhay ng tao? Siya si Aurora Asuncion ang gan...