Kabanata II - Pangamba

3K 167 429
                                    

A/N: Palagi po sana ninyong suportahan ang story ko na ito. Thank you in advance guys.

______________________________________________________________________________________________

Kabanata II

Pangamba

Nag-aagaw ang dilim at ang liwanag ng mabilis na naglakad si Aurora patungo sa kanilang mansyon. Bagamat malapit na siya sa kanilang mansyon ay hindi niya maiwasan ang mangamba. Sapagkat kanina pa rin niyang napapansin na may misteryosong tao na sumusunod sa kaniya.

"Aurora, anak may problema ba? Bakit namumutla kaya yata may masama bang nangyari?"

"Ina, nandiyan na sila. Kukunin na nila ako sa inyo."

Bakas ang pagkagulat sa mata nang kaniyang ina, ngunit kaagad din iyong nawala at marahan na hinaplos ang kaniyang magandang mukha.

"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin anak."

Mabilis na naimulat ni Aurora ang kaniyang mata dahil sa naging panaginip niya. Hindi niya namamalayan na tila isang ulan na walang tigil sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Sobrang sikip ng dibdib niya sapagkat muli na naman niyang naalala ang kaniyang ina at ama.

Gusto man niyang hanapin ang mga ito pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Hindi niya rin maalaala kung paanong napunta siya sa lugar na iyon. Sapagkat ang huli niyang naaalaala ay masaya siyang kumakain sa hapagkainan kasama ang kaniyang mga magulang at nakatatandang kapatid.

Pakiramdam niya ay nasa isa siyang lugar na ngayon lamang niya napuntahan. Ang mga matatayog na istraktura ang kaniyang nasisilayan sa bintana ng kwarto ni Xenon. Nais man niyang umalis ngunit nangangamba siya na baka magalit sa kaniya si Xenon. 

Naguguluhan man ay hindi niya maiwasan malungkot sapagkat tila isang kisapmata na nawala ang kanilang mansyon. Ang malawak na lupain na kanilang pag-aari ay isa-isa ng tinatayuan ng iba't ibang istraktura.

Habang sa opisina naman ni Xenon ay tila walang kapaguran sa kasasalita ang kaibigan niyang si Silver. Marahil naguguluhan ang kaibigan niya sapagkat kilala siya ng lahat na walang pinapansin na babae.

"Dude naman akala ko ba ayaw mo sa mga babae?" hindi makapaniwalang pahayag ni Silver kay Xenon.

Siya si Silver Dimayuga ang dakila at tapat na kaibigan ni Xenon. Kagaya ni Xenon ay parehas lamang sila ng edad at masasabing may angking kagwapuhan din si Silver. Mayroon din siyang negosyo at masasabing sikat na sikat ang hotel na pagmamay-ari nito. Hindi kagaya ni Xenon si Silver ay masasabi na mahilig sa babae. Sapagkat tila ba nagpapalit lamang ito nang damit sa dami ng kaniyang nagiging babae.

Sa lahat ng dumaan na tao sa buhay ni Xenon tanging si Silver lamang ang naging matapat sa kaniya. Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa kaniyang kaibigan na si Silver.

"Tsk! Baka nakakalimutan mong may puso ako kahit papaano. Inaamin ko na ayaw ko sa mga babae pero hindi ibig sabihin noon ay matigas ang puso ko."

"Alam ko naman 'yon dude, ang akin lang paano kung madamay siya?"

Sa sinabing iyon ni Silver tila natahimik siya saglit sapagkat alam niyang mapanganib para kay Aurora ang manatili sa tabi niya. Ngunit sa hindi malamang dahilan tila ba may bumubulong sa tenga niya na kailangan niyang protektahan ang babae. Dahil malakas ang kutob niya na maaaring may kinalaman si Aurora sa matagal na niyang pinaka-iingatan.

"Hindi siya madadamay dahil sisiguraduhin ko na babantayan ko siya."

"Ikaw na talaga dude, basta kapag kailangan mo ng tulong isang tawag mo lang dadating kaagad ako."

Sa sinabi ng kaibigan niya isang lihim na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Sapagkat alam niyang maasahan sa lahat ng oras ang kaniyang kaibigan na si Silver.

Nang makaalis ang kaibigan kaagad siyang bumalik sa trabaho habang hinihintay niya si Aurora. Naisip niya na baka mainip ito sa unit niya kaya pinasundo niya ito sa kaniyang tauhan. Habang abala siya sa pagpirma ng papeles isang hindi kaaya-ayang bisita ang pumasok sa opisina niya.

"What are you doing here? Ang kapal naman ng mukha mong pumasok sa opisina ko ng walang paalam."

"Hahaha! Bakit pa? Balang araw magiging boss din naman nila ako kapag kinasal na tayo."

"Itigil muna ang kahibangan mo Veronica dahil wala akong balak pakasalan ang katulad mong mukhang pera."

Kung pagmamasdan si Veronica Medina ay tila isa itong anghel sa amo ng mukha nito, nasa edad itong dalawampu't limang taong gulang. Ngunit sa kabila ng maamo nitong mukha ay may demonyong nagtatago sa katauhan nito. Kilala rin ito bilang isang modelo at talaga naman na maraming humahanga sa dalaga na mga kalalakihan. Maliban na lang kay Xenon sapagkat alam niya ang totoong motibo ng babae at iyon ay ang pera niya.

Dahil sa inis ni Veronica isang malakas na sampal ang iginawad nito sa makinis na mukha ni Xenon. Dahilan para mandilim ang paningin ni Xenon at tila isang kisapmata na sakal-sakal na niya ngayon ang babae.

"B-Bitiwan mo ako," nahihirapang saad ni Veronica kay Xenon.

"Sa susunod na sasampalin mo ako siguraduhin mo munang kaya mong lumaban."

Sa galit ni Xenon pabalya niyang binitawan si Veronica dahilan para mapatama ito sa lamesa. Kasabay nito ay ang pagkatok ng tao sa labas ng kaniyang opisina. Bago pa muling mandilim ang paningin niya kaagad niyang pinagtulakan palabas ng kaniyang opisina ang lumuluhang si Veronica.

Wala siyang pakialam kung marami man ang nakakita sa kaniya. Sapagkat alam niya sa sarili niya na wala siyang masamang ginagawa sa babae. Hanggang sa bumungad sa kaniya ang nakasimangot na si Aurora habang nakaupo sa isang malambot na sofa.

Hindi niya alam kung maiinis ba siya o hindi sapagkat tanging itim na t-shirt at boxer shorts niya lamang ang suot ng dalaga. Sa mga oras din na iyon gusto niyang sumabog sa galit. Dahil nakikita niya kung paano pagnasahan ng mga empleyado niyang lalaki ang inosenteng si Aurora.

"Tsk! Come here Aurora stop pouting your lips."

"Hindi mo ba alam na natakot ako kanina. Akala ko kasi nalaman na nila kung nasaan ako?"

"I'm sorry okay. Pinasundo kita dahil baka naiinip ka na sa unit ko."

Tila ba sila lamang ang tao habang nag-uusap. Sapagkat hindi man lang ininda ni Aurora ang mga empleyadong nakatitig sa kanila ni Xenon.

"Pinapatawad na kita. Maaari ko bang itanong kung sa 'yo ang istrakturang ito?" nahihiyang tanong ni Aurora sa nakangising si Xenon.

"Yes. Kaya bago pa ako mandukot ng mata ay pumasok na muna tayo sa opisina ko."

Parang bata na palibot-libot si Aurora sa loob ng opisina niya. Tila ba manghang-mangha ito sa kaniyang nakikita. Sa hindi malamang dahilan natagpuan na lamang ni Xenon na may nakapaskil na palang ngiti sa kaniyang mga labi. 

Habang matiim niyang pinagmamasdan ang aliw na aliw na dalaga. Pumasok din sa isip ni Xenon na marahil ay hindi isang espiya si Aurora, sapagkat tila ba wala itong kaalam-alam sa paligid. Kaagad na nalukot ang kaniyang noo ng mapagtantong wala ni isang damit na pambabae na maaaring maisuot ng dalaga.

Habang aliw na aliw ito kaagad niyang inutusan ang sekretarya niya na bumili ng pagkain nilang dalawa ni Aurora. Inutusan na rin niya ang sekretarya niya na bumili ng mga damit na kakailangan ni Aurora. Bagamat misteryoso para sa kaniyang kung saan nagmula ang babae minabuti niyang tulungan na muna ito.

"Malalaman ko rin kung sino ka ba talaga Aurora Asuncion," mahinang pahayag ni Xenon sa kaniyang sarili habang nakatanaw sa gawi ng dalaga.

_______________________________________________________________________________________________

A/N: Sa tingin ninyo, sino nga ba si Aurora?

Saan siya nagmula at nasaan na ang pamilya niya?

Good and harsh comment bukal sa puso kong tatanggapin ang mga opinyon ninyo.

READ. VOTE. COMMENT.

One Hundred Years #SA2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon