The Love of Lis

83 8 20
                                    

"Matagal ko ng alam."
- Lis

~~~
(Ley's Point of View)

"... Four, three, two, one."

Ito ang pinakahihintay na araw ko. Ang araw ng pagtatapos ng lahat sa aming dalawa.

Hindi ko akalain na ganoon pala kakitid ang utak niya.

One month, three months, hanggang umabot ng hindi mabilang na buwan.

Hindi parin napapansin na niloloko ko na lamang siya.

Nabulag na sa paniniwalang mahal ko siya, akala niya totoo yung ipinapakita ko sa kaniya. Napatawa na lang ako sa katangahan niya.

Sa bawat araw na kasama ko siya, sa bawat halik na dumadampi sa kaniyang balat, at sa lahat ng mga salitang nasabi ko sa kaniya. Masasabi kong uto-uto nga talaga siya.

Pampalipas ko lang siya.

Hindi niya pa rin napapansin na ang lahat ng ito ay isang malaking kalokohan. Katuwaan lang.

Ginamit ko lang siya.

Naging laro lamang siya sa buhay ko, at para sa kasiyahan ko na rin.

Pero habang tumatagal nagsasawa na 'ko sa kaniya, wala ng saya.

Kaya ngayon naisip kong tapusin na ang larong ito.

"Ngayon, ito na ang wakas sa ating dalawa." Mahinang bigkas ko sa aking sarili.

Naglalakad ako papunta sa kaniya. Nakatayo siya at may hawak na paper bag, habang nakangiti na parang ito ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Pero hindi.

"Happy first Anniversary, Ley." Bungad niya na may halong tuwa at kilig? Huh.

Hindi ko alam na one year na pala 'to. Taon na rin pala ang panloloko ko sa kaniya.

"Lis." Tawag ko sa kaniya. Mababakas sa boses ko ang lamig.

"Hindi tayo para sa isa't isa. Itigil na natin 'to." Pagtapos kong sabihin 'yon ay nawala ang ngiti sa kaniyang labi at napalitan ng pagtataka.

"Niloko lang kita. Hindi kita mahal, laro lang ang lahat. Kaya itigil na natin ang paglalaro." Mabuti ng sabihin ko ang dahilan, para 'di na siya mukhang tanga.

Tinitigan ko siya, hindi mababakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Na ipinagtaka ko. Bakit iba ata 'to sa inaasahan ko?

Yumuko siya sandali at muling tumingin sa akin na may ngiti sa kaniyang labi. Na lalong ipinagtaka ko. Bakit?

Hindi ba dapat umiiyak siya? Dahil ang relasyon namin ay matatapos na.

"Matagal ko ng alam." Sinabi niya ito na hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi, at ito naman ang aking pagtahimik.

"Minahal kita, simula pa lang. Kahit alam ko na ang lahat. Alam ko na minahal mo rin ako noong simula, hindi ko nga alam kung anong nangyari at nagkaganito." Huminto siya at nagpatuloy sa sinasabi.

"Tatanggapin ko ang gusto mo, itigil na natin ang laro." Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

Wala parin akong imik sa nangyayari.

"Pero bago matapos ang lahat. Happy anniversary and happy valentine's day, Ley. Siguro nalimutan mo na ang espisyal na araw na 'to, pero ako. Hindi."

Ang kanina niya pang hawak na paper bag ay iniabot niya sa'kin.

"Tanggapin mo sana ang huling regalo ko para sa'yo." Hindi pa rin nawala ang ngiti sa kaniyang labi at ang mga luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi.

"Mahal kita kaya lahat ng gusto mo ay ibibigay ko, alam ko magugustuhan mo 'yan." Naiwan ako rito na mag-isa at nagtataka kung bakit pati ako ay umiiyak.

Huli na ang lahat, at pagsisisi na lamang ang natira.

Title: The Love of LisWritten by: Kloue (thereasonihateyou)Date: 2019, April 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.
Title: The Love of Lis
Written by: Kloue (thereasonihateyou)
Date: 2019, April 5

~~~
(Anong masasabi mo? Kwento mo naman sa'kin sa comment section. Salamat, sa pagtapos ng Kwento ni Lis at Ley.)

"Ang Kwento sa likod ng kwaderno."
-Kloue

Sa Likod ng Kwaderno (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon