Waiting for West

42 3 6
                                    

"Babalik ako, at magiging iyo."
- West

~~~

(Rina's Point of View)

"West! Babalik ka pa ba?!" Sigaw ko sa tapat ng bahay ninyo.

Kasabay ng ulan ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi, kahit anong punas ang gawin ko ay ayaw pa ring tumigil. Hinayaan ko na lamang, katulad ng ulan na patuloy sa pagbasa sa akin.

Napaupo na lamang ako, dahil sa pagod sa pagtakbo. Unti-unti na naman akong nilamon ng nakaraan, at unti-unting binalot sa kalungkutan.

Nasa tapat ako ng bahay ninyo noon kasama ka, tinanong mo ako, kung makakaya ko ba. Kung makakaya ko bang wala ka sa tabi ko.

Napaisip na lamang ako sino ba naman ang makakayang wala yung taong mahal niya sa tabi niya?

Pero hindi 'yan ang sinabi ko sa'yo. Baka pagnagkataon hindi ka pa sumama sa kanila at magpaiwan na lamang. Ikagagalit yun ni Tito Sali pagnagkataon.

Kaya tumango na lamang ako bilang sagot.

Kahit ayoko na umalis ka, wala naman akong magagawa. Saka ayokong maging handlang sa muling pagkikita ninyo ng Mama mo, at lalo na at ito ang unang pagkakataon na magiging buo ang pamilya mo.

Saka ito ang pangarap mo. Kaya sino ba naman ako para kunin 'yon? diba?

Sa simpleng pagtango ko at pagngiti, pinaniwalan mo kaagad ako.

Aalis kayo dahil sabi ni Tito Sali, pinapapunta kayo ng Mama mo sa London, kung saan nais niyang mamalagi muna kayo roon pansamantala. Kahit sana raw dalawang buwan lang, kukuha muna raw siya ng lakas sa pamilya niya. May sakit kasi si Tita.

Alam kong mahal na mahal mo ang Mama mo, kahit hindi mo pa ito nakikita ng personal. Kahit madalas sa Video Call lamang kayo magkita at mag-usap.

Naalala ko ang kwento mo, kung saan bata ka pa lamang ay iniwan na kayo ni Tita Mel para pumunta sa London, at dun magtrabaho.

Natatakot ka pa noon na iwan ako, dahil ayaw mong humanap ako ng iba, na ikinatawa ko naman.

Baka nga ikaw ang makahanap ng iba. Sa gwapo mo ba naman.

Kaya ang sabi ko sa'yo, "Maghihintay ako sa pagbabalik mo, at magiging iyo muli." sabay yakap ko sa'yo, na ikinatuwa mo naman.

Tinanong din kita, kung makakaya mo bang wala ako, at ngumuso ka pa sa harap ko, sabay iling, na ikinatawa ko naman.

"Babalik ako, at magiging iyo, Rina. Kaya hintayin mo ko ah?" Ngumiti akong kay lapad dahil sa sinabi mo.

Alam kong hindi pa opisyal ang relasyon natin, kaya walang kasiguraduhan ang lahat ng tungkol sa atin. kaya siguro ganun na lamang kadali na bumitaw. Kaya siguro ganun ka rin kung mag-alala.

Minsan nga 'di ko alam kung sino ba talaga ang sobrang nagmamahal, ang alam ko kasi ako. Mas lalo ko na lamang hinigpitan ang yakap ko sa'yo.

Hindi ko alam pero 'yon na rin pala ang huling yakap natin sa isa't isa.

Naghintay ako sa airport noon nang matapos ang dalawang buwan ninyong pag-stay sa London. Dahil sabi mo uuwi na kayo. Tuwang-tuwa ka pa noon na ibalita sa akin 'yon, at syempre masaya rin akong magkikita na tayo.

Naghintay ako, ng naghintay. Pero hindi kayo dumating. Hindi ka dumating.

Tumawag ka sa akin, halos six hours na ata akong naghihintay nun. Sinabi mo sa akin ang kondisyon ni Tita Mel, na hindi pa kayo makakauwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Likod ng Kwaderno (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon