Liham ni Nerry

88 12 10
                                    

"Kamusta ka na? Nakikilala mo pa ba ako? Ako ito, 'yung babaeng mahal ka."
- Nerry

~~~

(Lee's Point of View)

Madilim. Parang nasa kawalan.

Wala akong makita o maaninag na kahit ano, hanggang sa lumiwanag ang paligid. Ipinikit ko ang mga mata ko, dahil hindi ko na kayang titigan ang liwanag.

Pagmulat ko, iba na ang paligid. Madilim pa rin pero hindi tulad kanina. Dama ko rin ang pagpatak ng mga ulan.

Habang pinagmamasdan ang paligid, nakita ko siyang lumabas sa madilim na bahagi ng kalsada. Tumatakbo, hingal na hingal.

Takot. Takot ang makikita mong ekspres'yon ng mukha niya.

"Takbo Lee! Mahahabol ka na niya! Bilis!" Hinila niya ako. Hindi ko alam, pero 'di ko siya pinigilan, at sumabay sa pagtakbo.

Takbo lang kami ng takbo.

Pagod na pagod na ko, pero kailangang tumakbo. Kailangan, kasi yun ang sabi niya.

Nagbago ang paligid habang tumatakbo kami, at pansin ko rin ang unti-unting paglaho niya.

Nawala na ang hinahawakan kong kamay niya.

Lumiwanag muli, nakasisilaw na liwanag. Nasa ibang lugar na naman ako, pero ang ulan ay patuloy pa rin sa pagbagsak.

Nakita ko siya. Hawak hawak ng mga lalaki, at pilit naman siyang kumakawala sa pagkakahawak sa kaniya.

Nakatingin siya sa'kin, at lumuluha.

"Iwan mo na ko! Kaya ko sarili ko, takbo na Lee!" Gusto ko siyang tulungan, pero iba ang nangyari. Imbis na papalapit sa kaniya, tumakbo ako papalayo.

"Takbo Lee!"

"Lee. Lee. Kuya." Iminulat ko ang mga mata ko, at tinitigan ang tumatawag sa'kin. Ang bunso kong kapatid.

"Lis." Ngumiti siya ng tinawag ko ang pangalan niya.

Panaginip.

Nakatulog ako habang nanonood kami ng paborito niyang palabas, mukhang kalagitnaan pa lang natulugan ko na siya.

Siguro dahil na rin sa pagod. Kakauwi ko lang galing sa pangalawang part-time job ko.

Tumayo ako at nag-inat. Ipagpapatuloy ko na lang ang tulog ko sa kwarto. Naglakad na 'ko paakyat, ng pinigilan ako ni Lis.

"Kanina, habang natutulog ka may pumunta ritong babae, 'di ko siya kilala pero kaibigan mo raw." Babae? Wala akong kaibigang babae, wala nga akong oras makipag-usap sa mga kaibigan ko dahil sa trabaho.

"Dapat gigisingin kita, pero sabi niya 'wag na raw. Sapat na raw na makita ka niyang maayos? Ang weird nga niya, pero mukhang mabait naman. Palangiti Kuya." Kwento niya.

Wala akong sinabi sa kaniya at nagpatuloy maglakad papuntang kwarto.

"May ibinigay nga pala siya, nilagay ko na sa kwarto mo, check mo na lang." Nag-thumbs up ako sa kaniya bago pumasok ng kwarto.

Humiga, at ipinikit ang mga mata.

"Lee".

Napamulat ako dahil sa boses na narinig ko. Napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi ko alam pero parang nawala ang pagod ko at antok. Umupo na lamang ako sa kama at pinagmasdan ang kwarto ko.

Naalala ko ang sinabi ni Lis. Meron nga, tinitigan ko ito, at nagtaka.

Sa Likod ng Kwaderno (One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon