the big night

424 13 2
                                    

WATERFRONT HOTEL- AFTERNOON TIL NIGHT

Ilang sandali nalang ay magsisimula na ang grand debut party ni Mariel. Gaya nga ng request niya, sa entrance nakaabang ang napakalaking G clef,sa loob naman napapaligiran ang buong hall ng mga musical instruments na gawa sa styro,puno ng bulaklak ang paligid. Napaka ganda ng ambiance, feeling mo talagang nasa isang malaking castle ka.At syempre di pahuhili ang orchestra band na tutugtog lang ng buong gabi, may mga surprise song numbers  din hinanda  ang mga bisita sa kanya.

7pm sharp,nang magsimula ang party..

At dahil fairy tale ang theme, inihatid ng isang karwahe ang prinsesa ng gabing iyon..

EMCEE

"Ladies and gentlemen,let's all welcome the girl who turned into a beautiful princess,the star of the  night... Ms. Mariel Fernandez!" Lahat tumayo at nagpalakpakan..

Nagsimula ng tumugtog ang orchestra...

Makikita sa wide screen ang pagbaba ni Mariel mula sa karwahe nito, at dun nga'y dahan dahan siyang bumaba sa hagdan,there were smoke effect pa.

Napakaganda niya just like a real princess, wearing her baby blue Cinderella inspired ball gown! She wowed everyone! Sa baba, naghihintay ang kanyang escort, si James,kinakapatid niya at high school mate na rin. Ang kanyang mommy at daddy at tinatayang mga nasa 150 guests ang bilang. This is her night, the night she dreamed of!

While Mariel's party is happening, ongoing din ang game nila Gary..

She is happy but not as happy when she's with Gary..

          **********************

Tapos na ang first part ng party, magpapalit at mag-aayos na naman siya ulit for the second part

Pagkalabas,ay kulay pink na ball gown naman ang suot niya at nakalugay ang kinulot niyang buhok.

Habang nagbibigay ng messages ang mga importanteng bisita, halatang di mapakali si Mariel na parang may hinahanap at hinihintay ito. Although she is not expecting him to come but she is still hoping na makakahabol ito...

      *************************

Si Gary, panay ang tingin sa relos nito..2 all ang score ng magkalabang team,isang goal nalang panalo na sila. Alas nwebe na, makakahabol pa kaya siya sa party ni Mariel?

GARY

"Let's finish it guys!go!go!go!"

Tensyonado na siya, dahil kaya sa nangangamba siyang baka matalo sila o dahil baka wala na siyang aabutan sa party?

           ************************

Pasado alas nwebe, ngunit wala pa ring Gary na dumarating..darating pa kaya siya?

        **********************

Finally, the game is over! And sad to say hindi sila ang tinanghal na champion.

           *************************

It is past 10 already, Mariel is sitting beside her friends nang may lalaking dumating sa kanilang likuran, hingal na hingal..

"Am I late??" Hinihingal...

Biglang nakaramdam ng kaba si Mariel,excited...lumingon silang tatlo at bumulaga ang gwapong si Harold...

HAROLD

"Happy birthday Mariel"

At isa isa pang bumati ang mga humahabol niyang bisita. Hinahanap si Gary, nasaan siya?bakit di ko makita,bakit puro team members lang niya ang nandito?

Waiting for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon