everything's perfect

458 15 0
                                    

SCHOOL-DAY

Araw ng mga puso ngayon at habang naglalakad sina Mariel, Wendy at katya pansin nilang may kakaibang nangyayari at pinagkakaguluhan sa may football field, kaya nang dumating sila doon gulat nilang isa isang nagbigay ng kulay pulang rosas ang mga football team players at inihatid sila hanggang sa may field...pagdating doon, nakaabang naman ang school band at nagsimulang nagpatugtog ng My Valentine by Jim Brickman... Maya maya pa ay lumabas ang napakagwapong si Harold,bitbit ang isang bouquet of roses. Ipinagtulakan naman si Wendy ng kanyang mga kaibigan, lumapit si Harold sa kanya iniabot ang bouquet, pagkatapos ay nagpresent ang cheer dance group ng school sa gitna ng field,ang ending???nakabalandera ang isang mahabang tarpulin na may nakasulat WENDY WILL YOU BE MY VALENTINE?

Naghiyawan ang lahat, di niya alam ang gagawin, lumingon sa mga kaibigang excited at masaya para sa kanya.

HAROLD

"Please Wendy,say yes... will you be my girlfriend?"

WENDY

Di niya inexpect ang gagawing iyon ng binata, ano pa nga ba inaarte niya,napamahal na rin ito sa kanya "YES!!!"

HAROLD

"Yes??! As in....oo tayo na??"

Tumango si Wendy,masaya siya at nagyakapan silang dalawa.."yesss!!!she said yesss!" Parang nanalo sa lotto ang pakiramdam ni Harold ng mga oras na iyon.

Akala nila tapos na ang lahat pero di pa pala.......eto na si coach lumabas,pero imbes na bulaklak eh bola ang hawak nito

GARY

"Mariel!!!(smiling,lumingon ang dalaga) catch!!"

Inihagis ang bola ng football sa kanya at

Sinalo naman niya ito

Will you be my date?  Ang nakasulat sa bola

Kumuha ito ng pentelpen at nagsulat, muli ay inihagis ito sa binata...ngunit sa kasamaang palad di ito nasalo ng binata at tumama pa sa kanyang mukha,bumagsak sa field

MARIEL

"Gary!!!"  Nagmadali itong tumakbo papalapit sa kanya

"Gary,(pero di ito sumasagot at tila nawalan ng malay) uie, anong gagawin ko? Guys!!!tulungan nyo naman ako!"

Nagtawag ito ng mga kasama pero walang pumapansin sa kanya

GARY

Opens his right eye, kitang kita niya ang pag-aalala ng dalaga " Uyyyy...concern siya!"

Sa inis, nahampas niya ito.bumangon si Gary tumatawa

MARIEL

"Wag ka ngang magbibiro ng ganyan!di ka nakakatawa!nakakainis ka!"

Niyakap siya ng binata at patuloy pa rin sa pagtawa

Naghiyawan naman ang mga tao na nandoon,drama lang pala ang lahat at kasama talaga 'yun sa plano niya...how sweet!!

GARY

"So...anong sagot mo??"

MARIEL

Kinuha ang bola at pinakita ang sinulat niya.. "YES"

Kilig overload ang lahat sa araw na 'yun, kaya naman pati ang panahon nikisabay sa kanila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.. Sina Gary at Mariel nasa gitna ng field kaya basang basa silang tumakbo para sumilong, at dahil ayaw ni Gary na masaktan muli ang kanyang prinsesa, binuhat niya ito saka mabilis na tumakbo. Sa wakas nakasilong na sila pero siksikan kaya di maiwasang magkadikit silang dalawa, kitang kita ng binata na bumakas ang dibdib ng dalaga kaya dali dali niyang hinubad ang kanyang long-sleeve polo at tinakip dito bago pang may makakita na iba,nanginginig na rin ito sa sobrang lamig kaya naman niyakap niya ito ng mahigpit para painitin.

Waiting for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon