After namin kumain tumambay muna kami. Nagulat ako nang nagtataasan yung kilay ng tatlong ugok. Di ko kasi makita kung sino ang pumasok since nakatalikod ako sa door. Pagtingin ko si Mr. Terro pala. Ano kayang ginagawa niya dito? Well, malamang kakain. Hahays ang bobo ko talaga kahit kelan -_-
Ibinalik ko ang tingin sa tatlo at, “Bakit ganyan yung tingin ninyo sakanya?”
“Bakit masama na bang tumingin sa isang tao?"-Redge
“Hindi naman PO masama. Nagtatanong lang po. Ang sama sama kasi ng tingin niyo sa kanya. At wag mo kong saguting ang isang tanong ng tanong.”
“Sabi ko nga. Chill ka nga lang ang hot ng ulo mo”-Redge
“Tsssssss”
Nakinig lang ako ng music habang silang tatlo ay naglalaro ng Xbox.
After a minute, tumigil sila sa paglalaro at nag-uusap. Di ko marinig yung sinasabi nila since naka headset ako at tamang tama yung kanta na Lego House ni Ed Sheeran na paborito ko. Kumakanta ako nang may kumuha ng headset ko. Patay kung sino man yung kumuha ng headset ko.
Tumayo na ako at binigyan ng isang napakalas na suntok yung lalaki sa harap ko. Wala nang iba kundi si Mr. Terro. Napaupo siya sa ginawa kong pag suntok. Sino ba namang di mauupo don na sinikmura ko siya with my full force since busog ako.
“Sakit nun bro!”-Kent
"Ang weak mo! Para kang bakla!!" -Eduard
“HAHAHA”at dahil dun nagtawanan silang tatlo.
Sinamaan naman sila ng tingin ni Mr. Terro ngunit hindi parin sila tumigil sa pagtatawa.
“Ano bang problema mo ha?!” – Mr. Terro
“Ikaw ang may problema. Sino ba sa atin ang biglang pumasok at kumuha ng headset ng may headset ha?” Kalmado kong sagot.
“Sasabihin ko lang naman na may tour pa tayong gagawin!” sagot niya habang patayo na siya.
“Yun naman pala eh! Di ka ba tinuruan ng manners ng mga magulang at guro mo ha? Pwede mo naman akong kulbitin eh! Hindi mo naman kailangan manguha ng headset! Walang asal.” At dahil dun umalis na ako at iniwan yung Mr. Terro na yun. Bahala siya sa buhay niya. Sumunod naman ang tatlo na tawa parin ng tawa. Anong nangyari sa mga ito? -_- Ayokong mag-alaga ng mga baliw noh -_-
“Tumigil nga kayo kung gusto niyo pang mabuhay.”
Tumigil naman sila sa pagtatawa. HAHAHA para silang mga aso na sumunod sa may-ari nila.
Kumuha ako ng isang lollipop, pampawala ng high blood... Binilisan kong maglakad papuntang school dahil malapit na mag bell.
“Pahingi nang lollipop mo (insert puppy eyes)” –Kent
“Oo nga :( Pahingi naman“ –Si Eduard at Redge
HAHAHAHA hindi madrawing mga mukha nila! parang mga bata HAHAHA
“Ayoko nga! :P Bumili kayo ng inyo!”
“Eh ubos na sa Mini Mart eh! Inubos mo! ;’(“ –Eduard
“Mga mukha niyo! Hindi ko na yun kasalanan! :P”
“Sige na pleashhhh huhuhu :’(“ –Kent
Hindi ko pa rin sila binigyan kahit isa. Isinuot ka lang yung headset ko. HAHAHA! Manigas sila! Limited stock lang kasi yun eh at swerteng swerte kasi meron yun don kaya binili ko yung 10 packs na naiwan.
Hanggang sa malapit na kami sa room ko, di parin sila tumigil. Tumigil lang sila ng nagtitilian na yung mga babae. HAHAHA! Nakakatawa yung mukha nila, from epic to serious. HAHAHA ayaw nilang malaman ng ibang tao yung other side nila.
Pumasok na ako at pumunta narin sila sa classroom nila.
Pagpasok ko palang sa classroom ko narinig ko na yung mga classmate kong babae na nagbubulungan at tumitingin sa akin. Anong problema nila? Hanggang sa makaup ako di parin sila tumitigil sa pagbubulungan kaya di ko na sila natiis. Tumayo ako at pinuntahan yung mga babae.
“Anong problema niyo? Kung meron man sabihin niyo agad nang wala gulo”
Pero tumahimik sila. Tsss mga babae talaga.
Uupo na ako ulit. Bahala sila sa buhay nila. Papunta na ako sa upuan ko at alam kong may babae na ang sama ng tingin sa akin. Pag-upo ko may babaeng nang nakatayo sa harapan ko at sa pagkakaalam ko siya rin yung babaeng nakatingin sa akin habang papaupo ako.
“Di mo alam kung bakit kami galit sa’yo? Well, kinuha mo llang naman yung tatlo!” sabi nya.
“Sinong tatlo sinasabi mo? -.-“ walang gana kong sabi sa kanya. Eh sa hindi ko alam sinasabi nila eh -_-
“Edi yung kasama mo! Sila lang naman yung tatlong heartthrob sa school na nilalandi mo!”
Tsss mapapaaway na naman ako dito -_-
“For you information Miss Who-you-are, hindi ako malandi katulad mo at hindi ko nilalandi silang tatlo dahil kaibigan ko lang sila at kabarkada. K-A-I-B-I-G-A-N. Kuha mo?” inemphasize ko talaga yung word na 'kaibigan' para maintindihan niya.
“Oo. Kuhang-kuha ko! Sa KAIBIGAN rin naman kasi nagsisimula lahat! Alam ko na yang mga moves niyo ehh! At lumipat ka pa dito para lang makuha at landiin silang tatlo!” sabi niya.
Aba’t ang kapal rin ng mukha nitong babaeng ‘to ahh? Walangya siya!
Tatayo na sana ako at susuntukin sya pero dumating yung epal.
“Tumigil nga kayong dalawa kung ayaw ninyong ma Guidance!” – Mr. Terro
“Ehh siya yung nag-----“.
“Tumahimik ka. Wala akong pake kung sino nag-umpisa! Ikaw Kate umupa na sa upuan mo!” – Mr. Terro
At umupo na siya na parang aso na sumunod sa kanyang amo. HAHAHA. Pero hindi talaga ako tumawa ng malakas ahh. Sa utak ko lang yun.
“At ikaw naman Ms. Quin, kababago mo pa lang sa school naghahanap ka na ng gulo.” Kalmado niyang sagot.
“First of all, hindi ako naghahanap ng gulo kaya wag kang magsalita ng kung ano jan kung hindi mo alam ang nangyari.”
Ahhhhhhh! Nakaka bwisit yung araw na ito!
Lumabas ako at tamang-tama na nasa may pintuan siya kaya hindi ako nagdalawang isip na banggaan siya. Pumunta ako sa likod nang building, wala na akong ganang pumasok sa klase ko. Baka kasi makita ko na naman yung mga mukha nila at di ko mapigilang suntukin sila.
Humiga ako sa may damuhan at inilg ang earphones ko. Kumalma naman ako ng pinatugtog ko na yung Lego House. Kumakalma ako pag narinig ko na ang kantang ito. Di ko napansin nakatulog na pala ako.
__________________________________________________________________
Sorry po sa late update :3
