♔ ρяσℓσgυє

406 11 7
  • Dedicated kay Cleo Beatrice XD
                                    

PROLOGUE

*P L A Y  V I D E O*

Chelsea's POV

Bawat isa sa atin ay may iba't-ibang kasiyahan at pagmamahal na tinatamasa. Mga lovestory na kung saan tayo ay may mga karanasang naging tulong sa pagiging mas maayos na tao. Minsan, iniisip ko tuloy kung tunay nga bang may love sa mundo. Tanging isa nga lang ba itong ilusiyon na hindi kailanman umiral sa ating buhay o isang elemento na naging parte na ng ating paglalakbay? Kung ito nga ba'y tunay at totoo, bakit hindi parating maayos ang pagtatapos ng karamihan sa isang istorya? Hindi ba maaring ito'y magwakas sa isang "Happy Ending" gaya ng nababasa natin sa mga fairytales?

Sa aking paglaki at patuloy na pag-aaral, madalas kong makita ang mga magkasintahang nag-iibigan at nag-uusapan sa isang tabi. Sa bawat paglingon ko, lagi ko itong napagmamasdan. "Nakakainggit 'no?" Kailan nga ba rin darating ang "love" na matagal na matagal ko nang hinihintay na dumating? Batid ko na hindi pa angkop sa aking edad ang pagkakasangkot sa isang relasyon, ngunit masaba bang mangarap na baka sakaling dumating ang "Prince Charming" ng buhay ko?

Ako nga pala si Chelsea Bailee R. Del Rosario. 15 years old. Kasalukuyan akong nag-aaral sa ika-9 na baitang. Noong mga nakalipas na panahon, ako tanging isang karaniwang estudyante at anak lamang, nag-aaral ng mabuti sa isang eskuwelahang nasa katamtamang kalidad ang edukasyon, nagpapahalaga sa kanyang sariling pamilya, at isang taong mahilig makipagkaibigan. That's how I literally describe myself to start with. But all that time, memories, effort, and experiences soon changed... dahil sa isang lalaki.  

Siya si Nathan Delroy C. Santos. Isang gwapo, matalino, talentado na nagmula sa isang makapangyariahang angkan sa aming lugar. Sa isang saglit, ako ay nabighani sa kanyang pisikal na anyo. I never thought that I would fell in love with someone I met for the first time quickly as a jet plane. Mayroon siyang napakaputing balat na para bang mestizo, may maangas at maitim na mga mata, matangos na ilong, at masedang buhok. Para siyang isang anghel sa aking paningin na halos hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. Kaya nga lang, mayroon akong hindi nagustuhan sa pagkatao niya. Alam niyo kung ano?

Ang kanyang kayabangan. Sa sobrang niyang pagiging feeler, halos daig pa niya si Sasuke ng Naruto sa sobra niyang yabang. Feeling ko magkakaroon ng pangalawang Bagyong Yolanda sa oras na bumugsong ang pagiging mayabang ng lalaking 'to. Napakakapal talaga ng mukha niya. Hindi porket napakarami ng fangirls niya sa campus, magiging snob o feeler siya sa harapan ko pa mismo!! Hahayy!! So much for my first love... Umibig nga ako, sa isang tao namang napakaimposibleng magustuhan rin ako.

Napapansin ko minsan, lagi siyang may puwestong ginagamit tuwing recess o break namin. Hindi ko alam kung bakit. Alangan naman maging FC (Feeling Close) ako sa mga friends niya at maki-join sa topic na pinag-uusapan mga 'yon, diba? At pangalawa, halos lahat ng gamit niya, mapa-panyo, bag, pencil, notebook, kuwintas, at kahit ang tinta ng kanyang ballpen, nasa kulay GREEN!! Nagtaka tuloy ako kung bakit. Sadya nga bang napakapaborito niya ang kulay na 'to o baka adik lang talaga ang topak na 'to? Hahayy!! Bahala na nga. I'll just let Destiny lead the way. Simula noon, tinawag ko siyang...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Mr. Weird!" 

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------

VOTE!!

COMMENT!!

ADD TO LIBRARY/READING LIST!!

Hehe... patikim palang 'yan... Musta nman ang istorya? Ok lng ba ang pagkakasulat? hehe... lol.... Anyway, salamat pala sa mga sumubok na bumasa sa aking simpleng kuwento. Alam ko na napaka-amateuristic ng pagkaka-compose ng details. If you have, any suggestions about the story, please feel free to bring up suggestions to make the story a better one. Thanks!! ^_^

~KyoyaHibari989

Mr. Weird!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon