♔ ¢нαρτєя 3: яυ∂є

167 6 5
                                    

CHAPTER 3: RUDE

QUOTE OF THE CHAPTER: "Opposites generally create intense chemistry. There are more chances of fireworks when different people are together than similar personalities." - Sonam Kapoor

                                                        MR. WEIRD

                                   ♔ ωнєяє єvєяyτнιɴɢ sταяτє∂ 

Nathan Delroy's POV

Kanina pa ako naiinis sa eskuwelahan na 'to. Hindi ako sanay sa ganitong kalidad na edukasyon. Ewan ko ba kung bakit pa ako iti-naransfer sa ganitong school. Mas mabuti pa naman sana ang school ko sa Laguna last year. Ano ba ang nakapasok sa kokote ng mga magulang ko at inilipat pa ako rito? Bahala na nga!! Wala na akong pakialam kung anong mangyayari sa akin ngayon. Sigurado akong magiging isang napakaboring na school year ito para sa akin. Hahayy!! So much for my high expectations!!

Pumasok ako sa gate ng nasabing eskuwelahan nang nakasuot ang hood ko. Ayokong pagkaguluhan ng mga babae unang pasok ng klase. Nakakairita kaya sila lagi!! Para silang mga halimaw na mamamatay ka nalang sa kakahabol nila sayo nang walang tigil. Sinubukan ko munang libutin ang buong lugar para maaliw ang aking sarili kahit kaunti lang. Nang biglang tumunog ang warning bell, nagmadali akong pumunta sa aking klase. Ayokong mapahiya, lalo na't sandamakmak na sermon ang aabutin ko mula sa aking mga magulang. Hanggang sa biglang...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

bigla akong may nabunggo. 

Napatumba kami pareho. Sumigaw yung babae nang bumagsak siya sa sahig. Nang maidilat ko ang aking mga mata, isang dalaga ang bumulaga sa aking harapan. Sa aking paningin, hindi naman siya masyadong maganda, siguro katamtaman lang. Mayroon siyang mga lilang mata, balat na sinputi ng niyebe at dilaw na buhok na para bang ginto. Siguro, nagmamadali rin siya pagbalik sa klase. At sa oras na iyon, hindi na siya pa naalis sa aking isipan.

~

                                                       MR. WEIRD

                                   ♔ нατє мє σя ℓσvє мє (ραяτ 1) 

Chelsea's POV

Mapapatay ko na talaga siya!! Akala ko pa naman napakabait niya. Ano yun? Mood swings? Bakit ba na mahuhulog pa ang puso ko, sa maling tao pa na halos hindi ko naman kaya tiisin ang napakayabang na pag-uugali? Ewan ko ba!! Basta! Hindi ako papayag na hayaan ko nalang ang topak na 'to na manakit ng kapwa. Ano siya? Sinusuwerte?  

"Anong game? Mukha ba akong nakikipaglaro sa'yo?!" sigaw ko kay Nathan na halos sasabog na ang lalamunan ko sa lakas ng boses. Pambihira!! Sino bang hindi magagalit matapos muntik na niyang sirain ang virginity ko? Hmph!! Akala ko mayabang lang, maniac din pala. 

Mr. Weird!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon