Chapter 22: Official #MEAL

17 1 0
                                    

#MEALofficial

----------
MINNIE'S POV
/makalipas ang ilang oras sa biyahe/
'ang tanga tanga mo kase Minnie, kahit kailan talaga! Kapag may nangyareng masama sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko, huwag mo akong iwan Neal huwag Yeobo.' Itong patuloy kong paninisi at pagsasalita ko sa sarili ko habang umiiyak ako, pagkalabas ko sa eroplano, nakipag unahan ako para kaagad akong makapunta sa ospital.

Sa airport palang nakita ko sa big screen ang balitang mas lalong nagpaiyak sakin.

BREAKING NEWS: "Ang isang Miyembro ng grupong "12Boy Next Door" na si Neal Ivan Hunter ay nasa Kritikal na kalagayan ngayon, ayon sa ulat, nabangga siya ng isang 6 wheeler truck na may kargang gulay at prutas , ipanalangin nating ang kanyang kaligtasan, naguulat FastNewsTv."

Mabilis akong naglakad matapos kong panoorin ang balita, kabadong kabado ako at ito ang mas lalong nagpapaiyak sakin, pero naasar ako ng may biglang hunarang na pulis sa akin.

"Maam sa inyo puba tong bag?"
"Huh? Hindi po, wala akong dalang bag, pwedi po ba mamang pulis paraanin niyo na po ako nagmamadali po kase ako eh" pakikiusap ko dahil wala naman talaga akong dalang bag eh kaya nagulat din ako.

"Sa inyo pu ito, tignan niyo po pangalan niyong nakalagay" pagkatingin ko sa likuran ng bag, pangalan ko ngang nakalagay, at nagtaka talaga ako.

"Huh? Pero panong?" O.o
"Nahulihan po kayo ng illegal na droga diyan po sa loob ng bag niyo,  maari niyo pubang buksan ang bag at ibigay sa akin ang droga? " utos ni mamang pulis, nagulat na naman ako ng marinig ko ang 'illegal na droga' pero dahil sa kailangan ko ng umalis dapat muna akong makipagareglo kay mamang pulis para makaalis na ako, ginawa ko ang pinaguutos niya.

Binuksan ko ang bag at wala akong nakitang drugs, "wala naman pong------" napatigil ako ng pagkatingin ko lokasyon ni mamang pulis bigla itong nawala, san na kaya nagpunta yun? "mamang pulis? Mamang pulis?" Hindi ko na pinatagal ang lahat tutal mukhang nilayasan na nga ako nung pulis,isasara ko na sana ang bag ng may isang sulat na may taling kumikinang ang umakit at pumukaw sa atensiyon ko.

"Ano kaya ito?" Pagkakuha ko ay binuksan ko ito tutal nakapangalan sakin yung bag,
Ang nakalagay sa loob nito ay.

"Pasensiya na sa ginawa ko at gagawin ko"
-Yeobo

Ito lang ang tanging nakalagay sa sulat at kaagad kong naisip na galing kay Neal yun dahil siya lang naman ang nagiisang tumatawag saakin ng 'Yeobo' o Honey.

pero naisip ko ring, malay natin Yeobo rin ang tawag ng iba sa mga kasintahan nila, at kapangalan ko lang siguro tong nakalagaay sa bag, nang maisip ko iyon Ibabalik ko na sana ang sulat sa bag nang, MAWALANAN NG POWER. sa Airport?

Medyo nataranta ako at nagtaka dahil ayoko talaga sa madilim gaya nito at sa Airport pa talaga mawawalan ang pagkakaalam ko kase maraming malalaking generator dito. :/

mabuti na nga lang at Ilang minuto lang ay bumalik na ang mga ilaw, pero laking gulat ko nang iba ng itsura ng airport napuno ito ng iba't ibang uri ng bulaklak at wala nang mga tao, pati na yung bag, sulat na lang ang natira saakin, hawak hawak ko lang yun, at sa tapat ko ay may isang malaking screen na biglang sumindi at nakita ko na ipinakita sa screen ang Video na ginawa nila Neal noong umamin siya na Mahal niya din ako. Tinapos ko ang Video at natouch akong muli, sa mga mensahe niya, na nagpaluha sakin.

Ilang minuto lang ay may mga taong nagsilabasan, nagulat ako dahil , sina Nye at ang mga Kamiyembro nila ni Neal sa '12Boy Next Door' ang may hawak ng mga bulaklak at isa isang ibinigay sa akin, natutuwa ako na kinikilig na nagtataka, napunasan ko na rin ang mga luha ko dahil sa mga pagngiti ko.

Hanggang sa di ko maiwasang matanong ito kay Nye "Ano bang nangyayare Nye? Gulong gulo na ako linawin mo naman to please" , iba ang isinagot niya di naman niya nasagot ng direkta ang tanong ko.

A DIE HARD FAN meets her BIASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon