CHAPTER 13

844 17 0
                                    

CHAPTER 13

“Behind every angry soul is a wounded child that just wanted you to love them for who they are.”
- SHANNON L. ALDER ✒

TWINKLE

MAKALIPAS ang limang minuto mula nang tumayo si Jaylord para labasin kung sino ‘yong nag-doorbell, napaangat ulit ako ng tingin sa nilabasan niyang pintuan dito sa kitchen. Bigla rin kasi akong na-curious kung sino ‘yong nasa labas.

Muli kong binalingan ang mga kapatid ko na siyang ka-video call ko ngayon para magpaalam na. “Hoy, kayo! I-e-end ko na, ha? May gagawin na kasi ako, eh. Saka gabi na, magsitulog na kayo. Yayain niyo na rin si Nanay. Tatawag na lang ulit ako next time, okay?”

(“Okay, sige.”) At tinawag na nga ni Cassie si Nanay para makapagpaalam na.

(“O, sige, anak. Mag-iingat ka d’yan, ah? Sa susunod na lang.”) Ani Nanay.

Nakangiti naman akong tumango. “Noted po! Siyempre, uuwi pa ko r’yan, eh—And speaking of pag-uwi ko pala, hindi ko sasabihin sa inyo!” Dinilaan ko pa sila na tila nang-aasar. “Basta, magugulat na lang kayo, nariyan na ko sa harapan niyo! Malapit na ‘yon.” At muli ko silang nginitian.

(“Ikaw talaga, anak. Sige, basta siguraduhin mong uuwi ka ulit ng maayos, ah?”) Dagdag pa ni Nanay at hindi na ko kumibo pa. Nanatili na lang akong nakangiti sa kanila at simpleng tumango na lang.

Nagbilin na lang din sina Cassie at Caelum ng kani-kaniya nilang gustong pasalubong pag-uwi, at pagkatapos n’on, nagpaalam na lang ako ulit sa kanila at ‘di nagtagal, tuluyan ko na ngang in-end ‘yong video call. At pagkasara na pagkasara ko ng laptop ko, dali-dali na akong tumayo at sinundan si Jaylord sa labas.

Paglabas ko ng kusina ay namataan ko naman agad siya sa harap ng pintuan sa living room. Habang papalapit ako sa kaniya ay natatanaw ko ang walang ka-emo-emosyon niyang mukha at mataman siyang nakatitig sa kung sinong kaharap niya. Nagtakha ako bigla kaya binilisan ko na ang bawat hakbang ko palapit sa kaniya.

Nang saktong nasa likuran na niya ko ay sinilip ko agad kung sino ba ang naroon na kaharap niya at nahinto agad ako nang makita ko na nga kung sino ang naroon. Though hindi na ako nagulat sa pagdating nito pero hindi ko pa rin mapigilang mag-alala lalo na nang maramdaman ko ang tensyon sa pagitan nila.

“What are you doing here? How did you know that I’m here?” Napapitlag ako nang magsalita na si Jaylord. Walang emosyon ang kaniyang tono ngunit ramdam na ramdam ko ang bigat sa paraan niya ng pagbitaw ng katanungang ‘yon.

“A-Ako ang nagsabi sa kaniya,” Salita ko dahilan para mabilis niya kong lingunin. Kunot na kunot ang kaniyang noo na tila ba gulong-gulo siya sa aking sinabi. “Pinapunta ko siya rito... para sa ‘yo.”

“Magkakilala kayo?” Takhang-takha at lubos na ‘di makapaniwalang tanong na nga niya sa akin. Walang pag-aalinlangang tinanguan ko naman siya. “H-How?”

Napahinga muna ako ng malalim bago muling sumagot. “Naging pasiyente ko noon si Mrs. Galvez, at sa kaniya ko rin nalaman noon na nanay mo siya. Kaya noong una kitang makita at malaman kong ikaw ang panibago kong pasiyenteng aalagaan, maliban sa isa kang sikat na artista, mas nagulat ako dahil hindi ko akalain na pati ikaw na anak niya ay magiging pasiyente ko.”

Naningkit ang kaniyang mga mata, hindi pa rin siya makapaniwalang nakatitig sa akin at kapagkuwan ay sarkastiko siyang napangisi. “Noon pa lang ay alam mo nang siya ang nanay ko pero hindi mo man lang sinabi sa akin? Narinig mo na ang lahat-lahat ng kuwento ko, ‘yong mga hinanakit ko, pero bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Bakit?!” Bulalas niya bigla at ngayon ay nababanaag na ang galit sa kaniyang mukha.

The Downfall of a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon