CHAPTER 16

876 25 0
                                    

CHAPTER 16

“We are all in the gutter, but some of us are looking at the stars.”
- OSCAR WILDE ✒

KUNG ano ‘yong naiwan kong tagpo sa London, hindi ko akalain na hanggang dito sa Pilipinas ay kakaharapin ko ang ganitong tagpo.

Nang mawalan kanina ng malay si Jaylord, nagpatulong agad ako sa mga kapatid ko at kay Nanay na akayin siya at tumawag ng traysikel na masasakyan namin papunta sa ospital. Mabuti na lang at gabi na kaya mukhang hindi naman namukhaan n’ong driver naming kapit-bahay si Jaylord dahil kung hindi, isang malaking chismis na ‘yon kinabukasan.

At ngayon ay kasalukuyan pa rin kaming nasa ospital, kasama ko pa rin si Nanay at ang mga kapatid ko habang nasa loob naman ng emergency room si Jaylord. Hinihintay namin ang paglabas ng doktor.

“A-Ate, totoo ba ‘tong nangyayari ngayon? Talaga bang si Bebe Jaylord ko ‘yong dinala natin ngayon sa ospital?” Hindi pa rin makapaniwalang bulalas ni Cassie. Agad ko naman siyang sinuway dahil baka marinig siya ng ibang tao sa sinasabi niya. Agad naman niyang itinikom ang bibig, pero ilang sandali lang din ay tumabi ito sa akin at nagtatanong na naman. “So, ano nga? Totoo ba?”

“Mukha bang namamalikmata ka lang? Nahawakan mo na nga kanina, ‘di ba?” Balik-tanong ko naman sa kaniya.

“So, si Bebe Jaylord talaga ‘yon? OMG! OMG!” Nahampas ko nga siya agad sa braso dahil sa kaingayan niya. “Sorry, sorry!”

“So, ibig sabihin, Ate... magkakilala talaga kayo? Saka... ano ‘yong nangyari kanina? Anong meron sa inyo?” Naguguluhan ding tanong sa akin ni Caelum na nasa katapat naman naming upuan dito sa waiting area sa labas ng Emergency Room.

Napahinga muna ako ng malalim bago tuluyang tumango. “Oo, magkakilala kami dahil siya ‘yong huli kong pasiyente sa London bago ako umuwi rito sa Pilipinas.” Sagot ko na sa mga katanungan nila.

“OMG!” Bulalas na naman ni Cassie sa tabi ko. “Pasiyente mo siya? So, ibig sabihin... umalis siya ng showbiz at nagpunta sa London hindi para sa business ng family nila kundi... d-dahil nagkasakit siya?” Paglilinaw na tanong pa nito kapagkuwan na agad ko ring tinanguan.

And this time, hindi na 'ko nagdalawang isip pa na ikuwento na sa kanila ang lahat. Ayoko nang maglihim sa kanila at iwang naguguluhan gayong natuklasan na nila ang lahat-lahat kanina.

Ibinahagi ko na sa kanila ang lahat, mula umpisa hanggang dulo. Maging ang tungkol sa amin ni Jaylord, inamin ko na sa kanila. Ayoko nang magtago. Pamilya ko sila, kaya dapat nilang malaman ang lahat tungkol dito.

“Ano?! Boyfriend mo ang asawa ko?!” Mas lalong hindi makapaniwalang react na naman ni Cassie matapos kong sabihin na sa kanila ang lahat.

Dahil naiirita na ko sa kaingayan niya, kinurot ko nga siya sa tagiliran. Mabuti na lang talaga at walang ibang tao ngayon dito puwera sa amin na makakarinig ng kaingayan niya.

Inirapan ko pa siya. “Maka-‘asawa’ ka naman d’yan! Oo na, sorry na! Kaya nga hindi ko rin masabi sa ‘yo agad ang tungkol d’on, puwera sa napagkasunduan namin, ay dahil din d’yan sa i-re-react mo, eh.”

“Grabe! All along, nagluluksa ang puso ko dahil sa pag-alis niya, n’on pala...” Tila naiiyak pang tinitigan niya ako. Napatayo pa talaga siya na kulang na lang ay camera sa acting skills niya. Dinaig niya pa ngayon ang bebeloves ko sa pag-arte! “N’on pala jowa mo na siya? Sabi ko na, eh! Sabi ko na nga talaga may nililihim ka sa ‘min!” Sita pa nito sa akin na kung makaduro pa sa akin ay tila nakalimutan na nitong Ate niya ko. Pero din-eadma ko na lang ‘yon dahil sa guilt ko kuno.

The Downfall of a StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon