THE ENDING ^^,

132 5 4
                                    

 Heyyo Guys! Play niyo yung song sa right para mas maganda :))

^_____________^V 

Sabi sa inyo, mabilis lang 'to eh :)

Enjoy!

ENDING

“Anak, ang ganda ganda mo ngayon araw ng kasal mo. Smile ka naman, wag kang kabahan, natural lang yan” mommy

“Ikakasal na ang baby ko.” Daddy

“Pa ano ba, wag ka ngang magdrama jan.” mommy

“Sige una na ko sa simbahan pinapaalis na ko ng Mommy mo, hintayin ko na lang kayo dun.” Daddy

Ngumiti lang ako kay Daddy bilang sagot.

Nakatitig lang ako sa salamin. Naka-ayos na ang buhok ko, Naka-make up na din ako. At suot-suot ko na ang wedding gown ko.

“Anak, okay ka lang ba? Nung isang araw ka pa wala sa sarili mo. Nag-away ba kayo ni Harold?” mommy

“Hindi ma.”

“Anak, alam kong may problema, Pwede mo naman sabihin kay mommy di ba? Pero kung ano man yun, kung naguguluhan ka o anuman, wag ka muna agad magdesisyon, mahirap magkamali. Ayoko naman na pagsisihan mo sa huli ang naging desisyon mo ngayon. You have your choice. You just need to choose the best.” Sabay yakap ni mommy sakin.

*knock! Knock!*

“Sino yan ?” Mommy

“Tita ako po ito si Kim.”

Agad naman pinagbuksan ni Mommy si Kim. Naka-ayos na din siya. Isang oras na lang at ikakasal na ko.

“O Kim, di ba dapat nasa simbahan ka na? Ikaw ang kakanta sa kasal ng bestfriend mo di ba?” Mommy

“Opo Tita. Gusto ko lang po makausap ang bestfriend ko bago ako pumunta sa simbahan.” Kim

“Sige. Maiwan ko na muna kayo.” Mommy

Umalis na si Mommy. Nakatingin pa din ako sa salamin, tinitignan ang sarili ko.

“Bestfriend.” Kim

Lumapit siya sakin at naupo sa tabi ko.

“Bestfriend, kung ayaw mong ituloy ito, tara umalis na tayo.”

Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Bestfriend, WAG KANG TANGA! I love you. Kahit anong mangyari, bestfriend mo pa din ako. Tara na sa simbahan?” Kim

**** Manila Cathedral Church

Nakarating na kami sa simbahan. Kumpleto na ang lahat ng mga abay. Naka-ready na din ang lahat. Ako na lang ang inaantay para magsimula ang kasal.

“Anak, ready ka na?” Daddy

“Opo.”

“Anak, may gumugulo ba sa’yo?” Daddy

“Wala po Dad.”

“Anak, I’m sorry, alam kong ako ang dahilan kaya ka napipilitan.” Daddy

“Dad, wala po kayong kasalanan.”

“Anak, alam kong pinilit kita na piliin mo si Harold dati, I’m so sorry.”

“Kung ayaw mong ituloy ang kasal okay lang sakin.” Daddy

“Dad, hindi ko po kayang saktan si Harold.”

“Anak, lahat ng tao nasasaktan walang hindi nasasaktan.” Daddy

Will You Runaway With Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon