Chapter Five

143 4 4
                                    

Chapter Five

September 07.

Three days before my birthday and three days before my wedding. Okay na ang lahat, naghihintay na lang kami ng oras.

Pero this day, ang reunion naming magkakabarkada. Mamayang 5:00pm pa naman.

Bumangon na ako para kumain ng umagahan, pagbaba ko nakita ko ang taong iniiwasan ko ng ilang araw. Oo, simula nun ngyari sa boutique medjo iniiwasan ko muna si Harold. Nasasaktan ako kasi alam kong masasaktan ko siya. Hindi ko kaya na makita ko siyang nasasaktan. Sobrang sakit para sa akin nun.

Tsaka, gusto kong mag-isip. Mag-isip ng mga bagay-bagay na gumugulo sa utak ko. Pero, ilang araw na ang lumipas, magulo pa din ang utak ko. -__________-

“Good Morning Baby!” bati niya sakin nung makita niya akong pababa ng hagdan.

“Good Morning, anong ginagawa mo dito?”

“*pout* Bakit baby, masama ba na dalawin kita? I miss you so much, ilang araw na tayong hindi nagkikita o lumalabas man lang.”  malungkot na sagot ni Harold

“Sorry.” Nakokonsencia ako sa mga narinig ko.

“It’s okay Baby, labas tayo today after breakfast?” Harold

“Okay, but may pupuntahan ako mamayang 5:00 pm.”

“Ah. Yung reunion niyo? Ngayon ba yun?” Harold

“Oo. Gusto mo sumama?”

“Ah. Hindi na, hatid na lang kita doon mamaya.” Harold

Umiwas ng tingin sakin si Harold, alam niya kasing makikita ko si Nathan sa reunion. Hindi niya kilala si Nathan in person kaya hindi niya ito nakilala sa Jewelry Shop pero alam niya yung tungkol dito.

At alam niya din na minahal ko ito, pero dahil sa kailangan, siya ang pinili ko.

Pagkakain ng breakfast, lumabas kami ni Harold.

Nagpunta kami sa mall at nag-date. Ilang araw daw kasi akong wala sa sarili ko kaya namiss niya daw ako ng sobra-sobra.

Alam ko naman na nahalata niya na iniiwasan ko siya pero hinayaan lang niya na gawin ko yun.

Maghapon kaming nag-gala. Kumain, nanood ng sine, kumain, naglaro sa timezone, kumain at kung ano-ano pa. Ang sarap sa pakiramdam, parang nawala lahat ng iniisip ko. Ang saya talaga kasama ni Harold. Lahat gagawin niya mapasaya niya lang ako.

Perfect ideal guy na si Harold talaga. Mayaman, responsible, mabait, gentleman at mapagmahal, may bonus pa kasi super gwapo pa niya at ang ganda ng katawan pang-model. *o*

Sobrang minahal ko ‘tong lalaki na ‘to dati pero dahil sa lalaki siya, sobrang nasaktan din ako sa kanya. We’ve been together for almost five years, pero nun magt-two years na kami noon, di ko inaasahan na magmamahal ako ng ibang tao maliban kay Harold.

Nasa-kotse na kami ngayon, ihahatid na niya ako sa venue nung reunion sa bahay nina Chris. Napagalaman ko kasi na engage na si Chris at Jane ngayon kaya double celebrations na din daw.

Nandito na kami sa tapat ng bahay nina Chris.

“Baby, tara sama ka sa loob, ipapakilala kita sa kanila, para may kasama na din akong magbigay ng invitations.”

Pero hindi siya kumikibo. Nakatingin lang siya sakin.

“Baby, are you okay?”

Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya parang ayaw na niya akong pakawalan pa.

Will You Runaway With Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon