IWFIL: Chapter 1

8 1 0
                                    

CHAPTER 1

Pagdating sa car wash agad na hinagilap ni Andrea ang best friend na si Brix.

“Brix! Glad you’re here.” masayang sabi niya dito tsaka niyakap habang nakaupo ang binata sa may swivel chair nito sa loob ng mini office.

“Miss me?” tanong nito habang yakap siya. Humiwalay naman agad sa pagkakayakap si Andrea at umupo sa upuan na nasa harap ng table nito.

“We’re best friend right?” tanong ng dalaga dito ng makaupo.

“Yes. Unless na-realise mo na mahal mo na pala ako.” biro nito. Andrea just pouted her lips.

“Can I ask a favour?” aniya.”…please?” pagsusumamo nito. Tsaka umaktong nag-mamakaawa.

“Stop begging on me. Ano bang favour yun?” suway nito sa kaibigan.

“Can you come with me sa Alumni Home coming namin? Please…”

“Kailan ba yun at anong oras?” tanong ni Brix.

Napangiti naman agad si Andrea ng magtanong si Brix, sure na kase siyang papayag ito sa invitation niya.

“Two days from now, 6pm at Shangri-La Hotel.”

“Okay, I’ll come with you. Ika-cancel ko na lang ang meeting ko sa isang client ko.”

“Really? Gosh Brix …hulog ka talaga ng langit! Thank You!” tuwang-tuwang pasasalamat nito sa binata tsaka hinalikan ang binata sa magkabilang pisngi na ikinabigla naman ni Brix. Maging si Andrea ay nagulat din sa ginawa. Masaya lang talaga siya!

“Ooops!  S-sorry. And thank you sa pagpayag Brix.”

“Oo na! Tama na nga yang pasasalamat mo, baka mamaya sa lips mo na ako mahalikan eh! Masyado ka ng sini-swerte niyan.”biro nito sa kanya.

“Ahmp! Yabang mo…pasalamat ka may utang na loob ako sayo ngayon.” she rolled her eyes. “May pupuntahan ka ba mamyang 7?”

“Wala naman. Why? Are you going to ask me out?” aniya sabay kindat sa dalaga.

“Anong ask me out, ask me out ka diyan! Invite sana kita ng dinner sa unit ko mamaya, pa-thank you ko na rin.” sabi niya dito.

“Sige, ipagluto mo ako ng favourite kong chicken adobo at vegie salad ha?” parang batang request nito.

“Oo na. So, paano ba yan? Mauuna na ako ha, maggo-grocery pa ako para sa dinner mamaya.”paalam niya dito.

“Hatid na kita sa labas.” sabi nito tsaka siya iginaya palabas ng office nito. Nakasalubong nila ang isang staff niya.

“Sir, may naghahanap sayo sa labas.” nagkakamot sa ulong sabi nito sa binata.

“Sino----“

“Hi bhabe!” malanding bati ng babae kay Brix. Matangkad ito at maputi. Nakasuot ng Black spaghetti na kita ang cleavage at mini skirt.  Nang makalapit sila ni Brix dito agad na lumingkis na parang ahas ito kay Brix.

“Hey, Maxine! Why are you here?” pero imbes na sumagot ito sa tanong niya, isang torrid kiss ang sinalubong nito sa kanya. Grabe! Sa harap pa talaga niya nakipaglaplapan itong babaerong kaibigan niyang to’h!

Habol hininga ang babae ng maghiwalay ang labi nila ni Brix.

“You really driving me crazy bhabe.” sabi no’ng Maxine in a sexy voice habang nasa lips ni Brix ang daliri nito.

If We Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon